Chapter 149.2

4707 Words

"AT SI ISLA. . . " nilingon pa ako sandali ni Daddy Leandro bago kay Mrs. Ledesma naman sumunod na bumagsak ang mga mata. "Asawa na ng kaisa-isa kong anak si Isla. Ina ng mga apo ko. Ibig sabihin lang niyon, ay isa na rin siyang Montesilva. Karugtong na rin ng pangalan niya ang pangalan ko. Kaya't sana ay sumagi man lang sa isipan n'yo, na lahat ng mga mantsa na ibinabato ninyo sa manugang ko, ay parang sa akin n'yo na rin ibinato." Habang sinasabi iyon ni Daddy Leandro ay nag-iigtingan din ang mga panga nito. Deretso ang tingin nito kay Mrs. Ledesma, na alam naman naming lahat na siya talaga nitong tinutukoy. Hindi ko naman mapigilan ang maging emosyonal habang pinakikinggan ko ang mga sinasabi ng biyenan kong lalaki. Hindi ko mapigilan na maisip kung gaano akong kaswerte sa biyenan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD