HANGGANG SA MAKATAPOS kaming kumain ni Nanay ay hindi na bumalik si Dos. Si Biboy ay umuwi lang sandali para iuwi ang binili nitong gatas ng kalabaw, dahil sabi daw ng bayaw niya ay gusto ko raw uminom niyon. At nang tanungin ko ito kung nasaan ang lalaki ay sinabi nito na nasa bahay daw ng kaibigan nito at nakantyawan ng inuman. "Pambihira ka talagang bata ka! Pati iyong kuya mo ay idinadamay mo sa kalokohan mo!" Sermon ni Nanay dito. "Bakit mo iniwan doon? Bakit hindi mo sinamahan, eh, mga kaibigan mo pala ang kasama?!" "Eh, 'Nay, siya naman po ang nagsabi na maiwan na lang siya roon, at balikan ko na lang kapag naiuwi ko na iyang gatas ng kalabaw." Kakamot-kamot ng ulo na katwiran naman ng kapatid ko. Makati siguro ang bunbunan nito, paano ay nakutusan ni Nanay ng hinuhugasan nitong

