"LOVE. . ." "Hmm. . .?" "I'm sorry." Mula sa pagkakahiga ay umangat ang ulo ni Dos sa unan upang silipin ako. Nakahiga na kami ngayon sa loob ng aming silid dito sa bahay nila Nanay. Pagkatapos ng tagpo namin sa kusina kanina ay nagyaya na si Dos na pumasok dito para makahiga na raw siya. Bigla raw pumutok ang tama ng nainom niya kaya't nahihilo na raw siya. Kaagad ko naman itong inalalayan papasok ng kwarto. "Sorry saan?" Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin sa akin. Patagilid akong nakahiga sa tabi nito at yakap ito sa tagiliran. Nakasandig ang ulo ko sa malapad nitong dibdib. Nilalaro-laro ng mga daliri ko ang butones ng suot nitong polo shirt. "Sa mga sinabi ko kaninang umaga. Hindi ko naman sinasadyang masaktan ka." Muling bumalik ang ulo ni Dos sa pagkakalapat sa unan

