"OH, HIJA, GISING KA NA PALA. . ." Natigilan ako sa akma sanang pagpasok sa komedor. Wala sa loob na napa-awang pa ang aking mga labi. Napa-maang. Lihim na kumunot ang noo. Literal na napatnga. Mabilis na umandar ang isip ko. Anong oras na ba? Bakit narito pa si Daddy Leandro? Hindi ba ito pumasok sa opisina? Hindi sa kung ano pa man. Nakakapagtaka lang. Usually kasi, bago pa lamang mag-alas otso ng umaga ay wala na ito sa mansyon, at nakapasok na sa opisina. Kung minsan nga ay mas maaga pa roon, lalo na kung may breakfast meeting ito. O, talagang maraming trabaho sa opisina. Katulad na lang ngayon. Nasa labas ng bansa si Dos, kung kaya naman doble pa ang responsibilidad nito. Bukod kasi sa mga gawain nito sa sarili niyang opisina, ay ito rin ang nag-aasikaso sa mga naiwang trabah

