KUNG ANONG SAYA KO KANINA, ay siya ko namang lungkot ngayon. Sabi ko na nga ba, at may kapalit ang sandaling kaligayahan na iyon, eh. Katulad ng kinatatakutan ko, hindi nga pumayag si Dos na bumalik ako sa pagtuturo. At nang magpilit ako ay nagalit pa ang lalaki. "Kaya nga ako nagpapakahirap sa pagtatrabaho para sa inyo ng mga anak natin. Para mabigyan ko kayo ng magandang buhay! Bakit mo pa kailangan na magtrabaho? Kulang pa ba ang ibinibigay ko sa iyo? Kung oo, sabihin mo! Dadagdagan ko!" Iyon ang mga esksaktong salita na sinabi sa akin ni Dos kanina nang makausap ko ito. Kahit na anong sabihin kong rason dito ay hindi ko talaga ito napahinuhod. "Ang gusto ko nga, sa bahay ka lang! Mahirap bang intindihin iyon?" "Oo." Hindi na napigilan na sagot ko sa kapareho ring tono na ginami

