"I'M SORRY, ANGEL." Huminga ako ng malalim. Kay lambing ng tinig niya. Kay amo. Akala mo ito isang leon na biglang nag-transform sa pagiging isang maamong kuting. Kung ganito ba naman ang manghihingi ng sorry sa iyo, paano mo pa naman mapapanindigan ang inis mo? Pero sabagay, palagi naman talaga itong maamo pagdating sa akin. Sa kabila ng antas nito sa buhay, kahit pa noong kabataan pa namin ay parang wala naman akong maalala na kinausap ako nito sa alanganing tono. Palaging may kahalong lambing. May kalakip na pagsuyo. Palagi nga ito noong tampulan ng tukso ng mga kaibigan niya. Bigla raw kasing bumabait pagdating sa akin. "Bakit ka nagso-sorry?" Mahina at walang emosyon kong patanong na sagot. Pinilit ko na huwag ipahalata na unti-unti nang natutunaw ang inis, dulot ng ginawa nit

