Chapter 221

4726 Words

ALEJANDRO MONTESILVA II "DINADAYA MO AKO!" Akusa ni Isla, na ang sama ng tingin sa akin. Kanda-alog naman ang balikat ko sa pagtawa dahil doon. Kanina niya pa sinasabi iyon. Na dinadaya ko raw siya sa tagay. Bakit daw ako ay parang hindi nalalasing samantalang siya ay hilong-hilo na? Tss. Malabo naman kasi talagang malasing ako sa isang bote ng tequila lang. Tapos ay hati pa kami. Noon ngang kabataan ko pa, kaya kong uminom ng isang buong magdamag, pagkatapos ay maghapon pa ulit, pero malinaw pa rin ang isip ko, kaya naman pipilitin ko pa rin ang mga kaibigan ko na sabayan ako ng isa pa uling magdamag, hanggang sa tuluyan na lang akong mawalan ng malay at makatulog na rin sa wakas. Hanggang sa aminin na lang nila sa mga sarili nila na hindi na nila kaya. Kaya naman ang ginawa ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD