AWANG ANG MGA LABI NA unti-unting humulagpos ang mga braso ko, na kanina ay magka-krus sa tapat ng dibdib ko, matapos kong marinig ang mga sinabi ni Misha, pati na rin ng mga kaibigan ni Dos, bago pa man nito makuhang sabihin kung ano ang problema niya. Ni hindi na umabot pa sa puntong kailangan ko pang tanungin si Misha, o si Dash kung ano ang totoo. Alam nila. Hindi lang ni Misha at ni Dash, kung hindi pati na rin ng iba pa. Maaaring inamin na iyon ng dalawa nang bumaba ang mga ito kanina. At sa palagay ko ay sapat nang patunay iyon na nagsasabi nga ng totoo ang asawa ko. Alam nga nito, sa una pa lang na ako ang babaeng daratnan niya sa stag party niya. At talagang inaasar niya lang ako kaya niya sinabi ang mga sinabi niya. Mula sa cellphone ko na hawak pa rin ni Dos habang kausap

