"NANDIYAN NA SILA!" Punung-puno ng excitement na anunsyo sa akin ni Misha pagkabukas pa lamang ng pintuan, at dumungaw ito roon. Kasunod ng dalaga si Arsi na may malapad na ngiti sa mga labi. Nasa master's bedroom na ako. Suot ko na rin ang damit na ibinigay ni Misha sa akin kanina. Pinatungan ko na lamang iyon ng roba para hindi nila makita. Nahihiya pa rin ako. Kanina nga, noong isinusuot ko ito ay ngani-ngani ko na talagang mag-back out. Kung hindi ko lang iniisip na wala rin naman akong magagawa dahil tiyak na kukulitin lang din ako ni Misha hanggang sa pumayag akong muli. Nagpipilit pa nga ito na isama ko siya sa pagbibihis. Para daw makita niya kung maganda raw ang fit sa akin ng damit. Nagpaka-tanggi tanggi lang ako. Ang sabi ko ay kaya ko na. Iyon nga lang ay hindi ito pumayag

