ALEJANDRO MONTESILVA II FVCK. Kung hindi lang talaga sa kagustuhan ko na makita ang asawa ko, eh malabong mapapayag ako ng mga gunggong na iyon sa kalokohan na ito. At kung hindi lang sinabi sa akin ni Dash na ang asawa ko ang magsasayaw sa harapan ko ay nungka na mapapayag nila ako. Kahit pa sabihin na sayaw lang naman. Hindi naman kailangan na may mangyari sa amin ng babae, ayoko pa rin. Hindi ko pagtataksilan ang asawa ko sa kahit na ano pa mang paraan. Hinding-hindi ako gagawa ng kahit na ano na magiging sanhi ng hindi namin pagkakaintindihan. Miss na miss ko na ang asawa ko. Imagine, five days? Five fvcking days! Limang araw na kaming hindi nagkikita ng asawa ko. Kung sino man ang nag-imbento ng pamahiin na bawal daw magkita ang mga ikakasal bago ang mismong araw ng kasal ng m

