"BABE!" Mabilis na tinakpan ni Malik ang bibig niya ng isang palad nito bago pa man siya makagawa ng ano mang ingay. "Shhh!" Anas nito sa likod ng palad na nakatakip sa bibig niya. "Huwag kang maingay, Babe! Baka may makarinig sa iyo!" Kahit nanlalaki pa rin ang mga mata ay sunud-sunod na tumango si Andra. At saka pa lamang inalis ng nobyo ang palad sa bibig niya. "Ano ang ginagawa mo rito? Ang kuya ko? Baka makita tayo n'on! Ano ka ba?! Nasisiraan ka na ba talaga?" Sunud-sunod na tanong niya sa binata na tila hindi man lang kinakabahan sa ginagawa nito. Samantalang siya ay parang sasabog na ang dibdib sa labis na kaba. "Shhh! Relax, Babe. Nasa kwarto niya ang kuya mo. Sabi ko bababa lang ako para kunin iyong baon kong damit sa kotse." Mahinang paliwanag nito. Halos ga-dali lang ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


