"URGH!!!! DOS. . .! Ikaw talaga ang may kasalanan nito!" Kung kagabi, hanggang kaninang madaling araw ay hindi ko na alam kung papaanong ungol at daing sa pangalan ni Dos ang gagawin ko dahil sa ibayong luwalhati at sarap na ipinadama nito sa akin, pagkagising ko, ay parang nais ko namang isumpa ang pangalan nito dahil sa sobra namang sakit ng katawan ko at hapdi ng pagkabavae ko. Na mas pinalala pa ngayong umiihi ako. Kagat ang pang-ibabang labi, kuyom ang mga kamao, at nakapikit ng mariin ang mga mata ko. Kulang na lang ay pigilin ko ang ihi ko sa paglabas. Parang gusto ko na ring maiyak sa sobrang hapdi. Parang ganito rin ang naramdaman ko noon, nang unang beses na inangkin ako ni Dos. Hindi na ako magtataka kung may makikita rin akong dugo sa ihi ko. Grabe naman kasi ang pananabik

