HAY, SALAMAT! NAKAPAG-DAMIT DIN! Huling araw na namin ngayon sa dito sa resort. Naiayos at naihanda ko na ang lahat ng mga gamit namin pauwi, na kung tutuusin ay hindi naman marami, dahil hindi nga kami nagdadamit, at isinasakay na iyon ni Dos ngayon sa sasakyan. Nalinis ko na rin ang buong Villa. Panay nga ang awat ni Dos sa akin dahil may darating naman daw para maglinis nito ngunit hindi ko ito pinansin. Hindi naman ganoon kabigat na trabaho na magligpit. Hindi naman din masyadong makalat ang paligid dahil most of the time, ay nasa beach kami. Niloloko nga ako ni Dos na baka hindi na raw ako makilala ni Andra pag-uwi namin dahil sunog na sunog na ang kulay ko. Alas otso sana ang alis namin ngayong umaga ngunit naantala iyon dahil sabi ni Dos ay nagka-aberya daw sina Manang Isabel,

