"PAPS! SAAN PUNTA N'YO?!" Natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang malakas na tawag na iyon ni Casper. Dinig ko pa ang pagkaka-ingay ng ibang kaibigan ni Dos sa likod namin. Pilit ko sanang nililingon ang mga ito ngunit pinipigilan ako ng asawa ko, at pilit na iginigiya nang patungo sa parte ng parking lot kung saan nito ipinarada ang sasakyan niya. "La kayong pake!" Ganting sigaw pa nito sa kaibigan. Natatawang mahina ko itong kinurot sa tagiliran. "Love, ang sama mo!" Tawa naman nang tawa ang lalaki. Ngunit sa huli ay wala na rin itong nagawa kung hindi ang hintayin namin ang mga kaibigan namin bago kami umalis. Nasa tapat kaming lahat ng bagong gawang munisipyo ng Sta. Barbara. Ang mga kaibigan ni Dos, pati na rin ang mga nobya ng ilan sa mga ito. Kasama rin namin si Arsi, s

