HANGGANG SA MGA ORAS NA ito ay hindi pa rin mapalis-palis ang matamis na ngiti sa gilid ng aking mga labi. Maging ang puso ko ay hindi pa rin nanunumbalik sa normal nitong pagtìbok. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan. Hindi ko alam na capable pala ako na maging ganito kasaya. Pakiramdam ko ay isang panaginip lang ang lahat. O, pangarap. I mean, sa aminin man, o sa hindi, lahat ng kababaihan ay nangangarap na makatagpo ng isang lalaki na magmamahal sa kanya ng lubos. Iyon bang nakahandang gawin ang lahat, maipakita lang kung gaano siya nito kamahal at pinahahalagahan. Iyon bang kayang ipagsigawan sa buong mundo ang kanyang tapat at tunay na pag-ibig. Kaya nga yata nauso ang salitang, 'sana all'. Dahil hindi naman lahat ay napagbi

