NANG MAGISING AKONG muli ay maliwanag na. May suot na akong damit pero tshirt lang na malaki. Wala ako kahit na anong underwear. Wala na si Dos sa tabi ko. Marahil ay umalis na ito at ang mga kaibigan nito. Kanina, hindi ko alam kung anong oras iyon, parang naulinigan ko pa itong nagpalam sa akin. Pagkatapos ay ginawaran ako ng masuyong halik sa mga labi. Pero hindi na ako dumilat. Antok na antok pa talaga ako. Huwag nang isama pa ang sobrang pagod. Hanggang ngayon nga ay masakit na masakit pa ang mga kalamnan ko. Medyo kumikirot din ang ulo ko pero hindi naman ganoong kalala. Kaya namang tiisin. Kailangan kong bumangon. Kailangan kong bumalik sa bahay nila Nanay para puntahan ang mga anak ko. Tiyak na kanina pa gising ang mga iyon, at sa malamang ay kanina pa ako hinahanap. Iinot-ino

