INALALAYAN MUNA AKO NI DOS na makaupo, sa pwesto ko kanina, bago ito lumapit sa anak, at naupo sa tabi nito. Sandali muna ako nitong pinukol ng nagpapa-unawang tingin, saka huminga ng malalim at ibinalik ang tingin sa anak. Alam ko na kinakabahan ito. Kita naman iyon sa mga kilos at galaw ng lalaki. At hindi ko naman ito masisisi. Hindi naman talaga ganoon kadali na makipag-usap sa isang bata. Gaano man ito kabibo, at katalino, katulad ng anak namin. Pagdating kasi sa bata, dalawa lang ang kulay ng mundo. It's either a black, or a white. Walang in between. I mean, lahat ng sasabihin mo ay paniniwalaan nito. At aasahan. Tatanim iyon sa isipan ng mga ito. At paniniwalaan hanggang sa kanilang pagtanda. Isa iyan sa mga natutunan ko sa pagtuturo sa mga elementary students. Kaya nga hi

