KAGAT KO ANG PANG-IBABA KONG labi habang pinagmamasdan ko ang niluto kong beef broccoli. Sinulyapan ko ang cellphone ko na nakatayo sa may lamesa. Isinandal ko iyon sa malaking garapon ng asukal para tumayo ng sarili niya at maharap ko ang pagluluto. Bakit gan'on? Ginaya ko naman ang lahat ng sinasabi na MeTube video na napanood ko? Pero bakit parang iba ang hitsura ng sa akin? Bakit parang hindi sila magkapareho? Mas maganda ang kinalabasan ng nasa video At nasisiguro ko na pati lasa ng mga iyon ay hindi magkatulad. Tiyak na mas masarap ang nasa video, kaysa sa niluto ko. Napapalabing isinampay ko ang dalawang kamay ko sa magkabila kong baywang. Kahit kailan talaga ay bagsak ako kapag pagluluto na ang pinag-uusapan. Gusto kong sisihin ang nanay ko, kung bakit hindi man lamang ako n

