ALEJANDRO MONTESILVA II POV : "THE NERVE, OF THAT BASTARD! Imagine?! Hanggang kanina iginigiit niya na kung hindi raw fifty percent share, each, ha! Fvcking each! Ang ibibigay natin sa kanya, hindi raw siya papayag sa settlement! Ang kapal ng mukha! Urgh! Damn him! I really fvcking hate him to bits!" Mariin kong naipikit ang mga mata ko, at napapa-sentido na lamang habang pinakikinggan ang mga litanya ni Misha sa kabilang linya. Sumasakit na ang tianga ko sa boses nito. Mula pa kanina, nang tumawag ito ay wala na akong narinig kung hindi pulos reklamo sa kinalabasan ng meeting kanina. At take note. . . iyon din halos ang laman ng e-mail na ipinadala nito sa akin kanina. Mas pormal nga lang at detailed. Hindi ko naman kasi alam kung bakit kailangan pa nilang makipag-meeting sa lalaking

