"BUTI NA LANG TALAGA, AT NAISIPAN ko na puntahan kanina si Arsi sa school. Kung hindi ay hindi ko pa malalaman na maysakit pala siya. Biruin mo, Love, dinatnan ko siya sa apartment na mag-isa at natutulog. Ni hindi pa siya kumakain, at wala pa rin siyang pagkain para sa lunch at dinner. Nakakaawa talaga. Buti na lang talaga ay dumating ako. Wala naman kasing ibang aasahan iyon dito sa Maynila. Ako lang. Nasa Sta. Barbara lahat ng mga kamag-anak niya. At ako lang din ang kaibigan n'on. May kamalditahan kasi. Kaya kahit iyong mga co-teachers niya hindi kinakaibigan." Kwento ko kay Dos habang humahakbang papalapit sa kinaroroonan nito. Katatapos ko lang na maligo. Nakasuot lamang ako ng puting roba, na courtesy ng hotel na pinag-check in-an namin habang kinukuskos ng puti ring twalya ang ba

