GALING DITO IYONG EX MO. Nangunot ang noo ko sa katatanggap lang na text galing kay Arsi. So? Hindi ko na itinatong kung sinong ex, dahil ang obvious naman. Iisa lang naman ang na-ikwento kong ex dito. At higit sa lahat... iisa lang naman talaga ang ex ko. So? Malamang, eh, diyan nag-aaral iyong anak niya. Reply ko rito. Hindi ako nakapasok kaninang umaga dahil masama ang tiyan ko. Hindi ko na matandaan kung ano ang nakain ko kahapon, o kagabi para masira ang tiyan ko ngayong araw, pero pinili ko na lamang na huwag nang pumasok, kaysa maya-maya akong mamroblema sa kahahanap ng CR sa school. Nakainom naman na ako ng gamot, kaya kahit papaano ay tumigil na ang pag-aalburoto ng tiyan ko. Pero mahirap pa ring makipag-sapalaran. Kaya't nag-absent na lang ako. Magkagayon man, ay tiniyak k

