"PAPA, WHAT ARE YOU DOING HERE?" Nakakunot pa ang noong tanong sa akin ni Thirdy habang mabilis na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. "Did I do something wrong? Pinatawag ka po ni Teacher?" Bakas pa rin ang pagtataka sa mukhang nilingon pa nito ang yaya nito, na nasa likuran niya at pilit na umaagapay sa mabilis nitong paglalakad. "Yaya?" Maang naman na umiling ang babae, bago may pagtataka rin na tumingin sa akin, saka lumipat muli ang tingin sa alaga, at nagkibit ng mga balikat. "Wala akong alam." Hindi ko naman masisisi ang mga ito kung bakit takang-taka na makita ako rito, gayong hindi nga naman ako ipinatatawag ng teacher ni Thirdy. Mayroon kasi talagang driver na naka-assign para maghintay sa mga ito, sa parking lot ng paaralan. Si Mang Delfin. Bale ba, iyon lang talaga a

