"PUMAPAYAG NA PO AKO." Kapwa lumapad ang mga ngiti ng mag-ninong nang marinig ang sagot ko. Si Dos ay mahigpit akong niyakap at mariing hinalikan sa gilid ng aking ulo. Hitsurang masayang-masaya sa naging pagpayag ko. "Thank you, Angel. I love you, so much!" Madamdamin nitong pahayag. Maliit naman akong ngumiti rito at umusal ng mahinang sagot sa deklarasyon ng kanyang pag-ibig. Pagkatapos ay yumakap na rin ako rito ng mahigpit. Ipinikit ko pa ang aking mga mata upang namnamin ang bawat sandali. Hanggang ngayon ay may kaunti pa ring agam-agam sa dibdib ko , ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko, eh, mukhang hindi naman titigil ang mag-ninong hanggat hindi ako pumapayag na magpakasal. Isa pa, ay gusto ko rin naman talagang maikasal na kami ni Dos. Wala namang duda sa bagay na iyon. S

