Chapter 133.2

3026 Words

"OKAY, SORRY NA." Nasa himig na ang pagsuko na wika ni Dos. "Umasa lang naman--" hindi nito naituloy ang sasabihin nang sibatin ko itong muli ng matatalim na mga mata. "Errr ... I mean, niloloko ka lang naman." "Gusto ko ng turon. Iyong saging ang laman." Wala pa ring kangiti-ngiting sabi ko na. Magkasalikop ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib at deretsong nakatingin sa labas ng sasakyan. "Ha?" Gulat naman na napabaling sa akin si Dos. "Saan naman tayo kukuha ng turon dito?" Parang gusto kong magpapagyak sa isinagot nito. "Hindi ko alam! Maghanap tayo!" Nakakainis. Kanina lang ay tinatanong kung ano ang gusto kong kainin, ngayon naman na sinabi ko, sasabihin saan kami kukuha? Natural, maghahanap! May makikita ba kami noon sa gitna ng kalsada kung hindi namin hahanapin? "Saan ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD