"FVCK!" Sa tuwing maririnig ko ang malalakas na mga pagdaing ni Dos sa loob ng CR ay hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Sobrang nagi-guilty ako dahil alam ko na ako ang may kagagawan kung bakit naroon ang lalaki at nahihirapan sa sobrang sakit ng tiyan. Halos alas nueve na ng gabi nang makarating kami sa Batangas kung saan nag-renta si Dos ng isang resort upang, ani nga nito ay ganapin ang aming honeymoon. Iyon nga lang, sa loob ng ilang oras na biyahe namin na iyon ay hindi rin iisang beses kaming nag-stop over sa ilang gasoline station para lang makigamit ito ng banyo. Katulad nga ng iniutos ko rito ay inubos nga ni Dos ang lahat ng saging na turon na nabili namin kanina sa daan. Wala itong itinira, katulad ng napag-usapan. Ang laki pa ng ngiti nito nang tuluyan na nitong isubo ang

