"KANINONG BAHAY 'YAN?" Tanong ko kay Dos habang sinisipat ang mataas na bakod sa aming harapan. Matapos ang humigit kumulang na treinta minutos na biyahe ay inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gate na bakal. Mula sa labas ay hindi mo matatanaw kung ano ba ang mayroon sa likod ng mataas na bakal na gate na iyon. Sobra kasi ang taas niyon na tumatakip na sa buong solar ng lugar. Kung iisipin ay parang talagang sinadya iyon upang hindi masilip ng kung sino mang mapapadaan sa labas ang loob ng bakuran. Sa taas ng bakod, kung titingnan nga sa labas ay mistula iyong isang pribadong resort. Ni hindi mo matatanaw ang ituktok ng mataas na gate kung sisipatin mo lang ito mula sa loob ng sasakyan. Kinailangan ko pang yumukod upang silipin iyon. "Sa ninong ko." Maigsing sagot n

