"SAAN MO BA TALAGA AKO DADALHIN?" Untag ko kay Dos nang makasakay na ako sa sasakyan nito. Ang lalaki pa mismo ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Hindi naman napapalis ang simangot sa mukha ko habang nakasunod ng tingin sa bawat kilos nito. Naiinis pa rin ako rito, baka akala niya. Ayoko lang ma-stress. Para kay baby. Kanina, paglabas namin ng silid, kung saan kami nito nag-usap ay dumeretso kami ng lapit sa nanay ko, na kaagad na tumayo pagkakita sa amin. Akala yata ay nagkasundo na kami ni Dos, at aalis na nga kami. Ngayon ay parang nahuhulaan ko na kung ano ang pinag-usapan ng mga ito kanina, nang sila lamang dalawa. Baka isinuhestiyon nito sa nanay ko na umuwi na nga kami ng Sta. Barbara ngayong araw din. Kung ako lang nga ang masusunod, baka iyon na nga ang ginawa namin. Ayoko na

