Chapter 129

3131 Words

"THERE YOU GO..." Mahinang ani ko matapos sandukin ng kutsara ang lahat ng natitirang laman ng plato ni Thirdy. Kapagkuwan, ay iniumang ko iyon sa harap ng bibig nito. "Last. Say ah, baby... ahhh." Bahagya ko pang ibinuka ang bibig ko upang gayahin nito. Na malugod naman nitong tinanggap at walang imik na nginuya. Matamis akong napangiti nang makitang wala nang laman ang kutsara, pati na rin ang kalong kong plato. Dahil nga ang sabi ni Yaya Edna kanina ay tamilmil sa pagkain ang anak ko, at kakaunti lang ang nakain kaninang pakainin niya ng pananghalian, nang malibang-libang ay patay-malisya ko itong tinanong kung hindi ba ito nagugutom. Hindi ko naman kinailangang magtanong muli. Nakalabi pang kaagad nitong inamin na hindi nga raw ito nabusog sa kinain nito sapagkat wala raw itong gana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD