"WOW! REALLY, MAMA ISLA? Magiging kuya na po ako?" Hindi naitago ng mariing paglalapat ng aking mga labi ang ngiti na pilit na nag-uumalas sa mga iyon habang nakatunghay ako sa aking anak na nanlalaki pa ang mga mata sa pinaghalong gulat at tuwa, habang nakatingala sa akin. Hindi ako nagsalita. Sa halip, ay pigil pa rin ang malapad na ngiting maka-ilang ulit akong tumango-tango, bilang sagot sa tanong nito. Mas lalo namang nagningning ang kani-kanina lang ay malalamlam na mga mata ng anak ko. Tila ba, sa isang iglap ay panandalian muna nitong nakalimutan ang kanina ay lungkot na nadarama nito dahil sa pagkawala ng kanyang lola. "Wow! Ang galing!" Bulalas pa nito bago ako sinugod ng mahigpit na yakap. "Thank you, Mama Isla!" Na awtomatiko ko namang pinaunlakan, at ginantihan ng mas mah

