"HINDI BA TAYO, ANAK, lalapit sa harapan?" Tanong ni Nanay sa akin na sinagot ko lamang ng isang mahinang iling. Sandali muna ako nitong tinitigan. Bago, napapailing na lang din na huminga ng malalim. Alam kong hindi komporme ang nanay ko sa isinagot ko ngunit hindi na lamang ito kumibo. Katunayan ay kanina ko pa napapansin ang mga palihim na pagsulyap nito sa akin. Parang may gustong sabihin, hindi lamang maisatinig. Alam kong pigil na pigil lamang ito na pagsalitaan ako. Hindi ko na lamang iyon pinansin at piniling manahimik. May kalahating oras na rin kami rito sa loob ng chapel kung saan nakaburol ang mga labi ng mama ni Dos. Pagkalabas ko kanina ng ospital ay dito na ako nagpa-deretso kay Mang Delfin. Akala ko pa nga noong una ay hindi ito papayag. Siyempre, sa pagitan ko at ni

