"MOM..." "A-anak..." kahit hinang-hina na ay sinikap pa rin ng aking ina na magpakawala ng isang matamis na ngiti. Ibinuka ko ang palad nito at idinikit iyon sa aking pisngi. Ipinikit ko pa ang mga mata ko upang mas madama ang init ng palad ng aking ina, na sa kauna-unahan yatang pagkakataon ay dumikit sa aking balat na may kahalong pagmamahal. "H-huwag mo na silang k-kagalitan, anak... wa-wala nang makakasama sa akin." "Matilda," singit muli ni Dad. Nakikita marahil nito na nahihirapan na sa pagsasalita ang aking ina. "Magpahinga ka na muna. Huwag mong ubusin ang lakas mo sa pagsasalita." Ngunit sinulyapan lang ito ng aking ina, saka matamlay na nginitian. Kapagkuwan, ay umiling-iling. "G-gusto kong makahingi ng tawad sa inyong mag-ama habang may o-oras pa ako. Dahil ramdam ko, h-hi

