KANINA PA AKO NAKAHIGA, ngunit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Pikit ang aking mga mata, ngunit gising na gising naman ang diwa ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit na ba ako na nagbiling-baligtad, kunwa ay para kumuha ng magandang pwesto, pero ang totoo ay gusto ko lang na umuga ang kama para malaman ko kung tulog na ba talaga ang katabi ko, o nagtutulog-tulugan lang. Nag-iba ulit ako ng posisyon. Tumagilid ng higa. Paharap dito. Pinagpatong ko ang dalawa kong palad sa ilalim ng kanan kong pisngi, sa ibabaw ng malambot na unan. Pikit pa rin ang mga mata ko ngunit naka-alerto ang lahat ng mga senses ko sa katabi ko. Pinakikiramdaman ko nang mabuti kung mayroon bang pagkilos na magaganap. Wala pa rin. Bahagya kong ikinunot ang noo ko saka idini

