Flirt
They got back to their work like nothing happened. Para silang mga robot na biglaan nalang na nagsikilos nang magsalita ako.
No one dared to talk to me or ask me about what happened. Ramdam ko naman na ang ilan sa kanila ay gustong malaman kung ano talaga ang dahilan kung bakit ako sinugod ng isang blondie na babae rito sa hotel para lang sigaw-sigawan ako pero nanatili silang tahimik.
Bahagya akong napairap dahilan para mag-iwas ng tingin ang mga staff na nasa akin ang atensyon.
They can't deny their actions to me. Alam kong kating-kati na silang magtanong, sadyang takot lang sila sa akin kaya nananatili silang tahimik.
"S-sino ang babaeng 'yon, Ma'am? Kailangan niyo ba ng maiinom? Ikukuha ko kayo?"
Nakaismid kong binalingan ng tingin si Adalyn nang marinig nanaman siyang magsalita. She almost jumped when I glanced at her. Bigla rin na namutla ang buong mukha niya.
Seriously? Do I look like some sort of a creepy witch with a long ugly hair and an ugly face? Bakit laging ganito ang reaksyon niya kapag nakikita ang mukha ko?
My eyebrows furrowed while looking at her. She on the other hand, immediately looked away. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.
If she's scared at me then why does she keep on asking me stupid questions? Why does she keep on talking to me? Is she nuts?
Pinaglololoko ba ako ng babaeng 'to?
"If I intimidate you, then stop talking to me. Hindi yung nagmumukha kang pusa na kinawawa r'yan," mataray na sabi ko sa kaniya dahilan para nahihiya niyang ibalik ang mga mata niya sa akin habang nagkakamot sa kaniyang ulo.
She started playing with her fingers like doing that eases her nervousness. Taas-kilay kong pinagmasdan 'yon bago ko ibinalik ang mga mata ko sa kaniya.
"K-kasi Ma'am... ang sabi niyo po ay gagawin niyo akong personal assistant niyo. Hindi ko po kasi alam kung ano ang ginagawa ng isang personal assistant kaya tinatanong ko nalang kayo sa kung ano ang gusto niyo. Ayoko naman pong matanggal sa trabaho kung mananatili akong tahimik kaya kahit na natatakot ako sa inyo ay naglalakas-loob ako," she continously answered.
Ilang beses akong napakurap-kurap nang tumigil siya sa pagsasalita. She even gave me a shy smile after that essay-like speech of hers.
May karapatan pa siyang mahiya matapos niyang magsalita nang ganoon kahaba? This girl is insane!
"The hell you're saying? Just get me a glass of cool water and stop talking before I kick your ass out of this place!" inis na sigaw ko sa kaniya.
Dali-dali naman itong kumilos nang marinig ang utos kong 'yon. Some of the staffs and customers around us looked at my direction because of that. Napalakas ata ang boses ko kaya naman ay binalingan ko ang mga ito at bahagyang nginitian.
I gave them an apologetic smile using my charms. Mukha namang gumana 'yon dahil bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa. I unconsciously rolled my eyes.
Where is that girl?!
Tubig lang ang hinihingi ko sa kaniya pero bakit parang hahakutin niya pa ata ang buong kitchen ng hotel sa tagal niyang bumalik?
Hindi na ako nag-abalang maghintay pa sa kaniya at nagsimula nalang na maglakad-lakad. She can ask the staffs on where to find me when she comes back, hindi ko na siya hihintayin.
Masasayang lang ang oras ko.
Instead of going back to my unit, I decided to roam around the place again. Nandito naman na ako kaya ic-check ko nalang rin ang mga kung ano rito sa ground floor. Hindi ko rin naman kasi masyadong nagawa 'yon kanina dahil nalibang ako sa paniningin sa sanctuary.
Ang mga nakakasalubong ko sa paglalakad ay agad na ngumingiti at bumabati sa akin. Some of them are even bowing their heads to show their respect to me habang ako ay tumatango at ngumingiti lang sa kanila. I also met some of the guests here who's familiar to me kaya naman ay hindi na nawala ang batian at kamustahan.
I also checked the paintings hanging on the walls. Even the furnitures didn't escaped my sight. Bawat isa sa mga 'yon ay binibigyan ko ng nanunuring mga tingin habang ang ilang staff na nakakapansin sa akin ay tinititigan ako.
They're probably waiting for me to spot something for me to scold them. Little did they know that I'm not in a very good mood to do that, pero bahala silang mag-isip.
Bumalik ako sa may entrance lobby na siyang kinatatayuan ko kanina. I stood in the middle and wandered my eyes around. Sa harapan ng entrance lobby ay ang grand hall ng hotel. Sa gitna ng ceiling no'n ay ang isang engrandeng chandelier na ako mismo ang pumili.
Beside the grand hall stands the wide dining area. There are sections for the casual customers and there are sections for the VIP's. There's also a bar located beside the dining area and there's also one on the left wing.
May mga conference rooms din, ballrooms for social gatherings, cafe's, salon, boutiques, and many more.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo lang doon. Hindi pa rin naman kasi bumabalik si Adalyn. Kanina ko pa siya inutusan pero halos isang oras na ata ang nakalipas pero hindi pa siya dumadating kaya ganoon nalang ang ginawa ko.
I just admired the whole place like I own it.
Wait, I do own it.
"A penny for your thoughts?" I heard someone asked.
I turned to the person beside me who's the owner of that voice and saw someone familiar. Nakangisi ito nang bahagya sa akin. I gave him a confused look.
Nang titigan ko itong mabuti ay tyaka ko lang napagtanto kung sino nga ba siya. He's the guy who's with Lucas's wife earlier. Siya yung pilit na umaalo sa eskandalosang babaeng 'yon.
Pinagmasdan ko siya gamit ang mga mata ko. He's still wearing his nerdy glasses but his briefcase is no longer with him.
"Excuse me?" I asked. He chuckled. Bahagya pa niyang kinagat ang pang-ibabang labi niya dahilan ng agarang pagkunot ng noo ko.
He also did that earlier. Malagkit na rin ang tingin na ipinupukol nito sa akin. I raised an eyebrow at him and tried to match the intensity of his stares.
Is he flirting with me? I thought he's a boring guy. Naka-glasses kasi ito.
"You seemed occupied. Mind if I let myself join in with your thoughts?" he asked, still in a flirty way. Hindi ko alam kung natural na ba na ganoon ang boses niya dahil ngayon ko lang siya nakausap but I know that something's with his stares.
I smirked. He's definitely flirting.
Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin upang makipag-usap sa lalaking 'to. I just found myself talking to him and trying to fit in with his jokes even though in fact—I'm really not interested with him. He's just, well, a toy that made his way through me. He chose me to play with him.
And just like what I expected to happen, I am now inside the comfort room exchanging kisses with a guy I just met.
Mapupusok ang mga halik niya sa akin. It's like he's been longing to kiss someone for so long and that kissing me triggered that. Matapang ko naman na ginantihan ang mga halik niya habang nakapatong ang magkabilang braso ko sa may balikat niya.
I felt one of his hands on my back and then he scooped my butt. I almost screamed because of that. Kung hindi lang nakadikit ang mga labi namin ay baka nagawa ko na 'yon.
Nakasandal ako sa pader habang nakaangat ang katawan kaya naman ay ibinalot ko ang mga hita ko sa bewang niya upang pang-suporta.
Our kiss deepened. I can feel my folds throbbing because of the burning sensation I'm feeling. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang kamay ng lalaking kahalikan ko na nagsisimula nang humaplos sa katawan ko.
His hands entered my shirt and before he could even touch my chest, we heard something that made us both stop what we're doing. Nagkatinginan kaming dalawa at napansin ko ang pagkadismaya niya.
I rolled my eyes and almost groan when I realized that my phone is ringing.
"It's okay, answer it," he said. Hindi ako sumagot at agad na bumaba sa pagkakahawak niya.
He turned his back on me and started fixing his hair. Hindi ko na siya pinansin at kinapa ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ko na patuloy lang sa pagtunog.
Naglakad ako palapit sa sink at doon ko pinagmasdan ang sarili ko. There are traces of lipstick on the sides of my lips. My hair is also messy but not to the point that I look stupid, parang messy hair lang ang dating. Bahagya rin na nalukot ang suot ko.
I licked my lips using my tongue. There's a stinging sensation on my lips because of that kiss. Binalingan ko ng tingin ang lalaking nasa likuran ko sa repleksyon niya sa salamin at nakita kong nakatitig ito sa akin.
"Hurry up and answer that call so we could go back to what we were doing," he said with a smirk on his face. Inayos niya pa ang salamin na suot-suot niya.
Nairita ako nang marinig ko 'yon pero hindi ko pinahalata. Is he ordering me?
Hindi na ako nagsalita at tinuon nalang ang pansin ko sa cellphone ko. I looked at the screen to see who's the person behind the call and my forehead immediately crooked.
Why is she calling me?
I clicked the answer button and placed the phone on my ear. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko na ang tao sa kabilang linya ang unang gumawa no'n.
"Hello, Vera? Where are you?" mom asked. I can feel the authority on her voice.
"In the hotel, making out with a hot guy and got interrupted by you," walang prenong sabi ko. I heard the heaviness of her breathing from the other line.
"How many times do I have to tell you? You can't continue doing that! Ikakasal kana!" she shouted. Dumiin ang pagkakahawak ko sa cellphone ko nang marinig 'yon.
I knew it. That's the only reason that she'll call me. Hindi pa rin siya sumusuko doon at talagang pinagpipilitan niya 'yon sa akin.
Hindi ba siya marunong umintindi?
I let out a heavy sigh before answering her. May respeto pa rin ako sa mga magulang ko pero kung pagpipilitan nila ang bagay na ito ay hindi ko na alam.
"And how many times do I have to tell you that I'm not marrying anyone!" I shouted back. I know that the man behind me heard what I just said pero hindi ko na dapat siya intindihin.
Bahala siyang umalis. I'm turned off now anyways.
"Vera Cassemeir!" I heard Dad shouted in the background.
Bago pa man nila madugtungan ang sasabihihin nila ay binaba ko na ang tawag. Halos madurog ang cellphone ko sa higpit ng pagkakahawak ko doon.