Conference
"This design will be beneficial not just to the company but to the clients as well. This will boost the hotels' capability to welcome a few more guests and with that, the ratings will bloom into an unexpected rate..."
Tumango-tango ang mga nasa harapan ko nang sabihin ko ang mga salitang 'yon. Some of them nodded with each other with a smile on their face—assuming that my idea interests them.
Napalingon ako sa isang banda nang bahagya pa itong pumapalkpak habang malawak na nakangiti sa akin. I smiled back at her.
"I hope all of you will think about this design properly. I guess that will be all for today, have a great afternoon everyone," I said with a smile, as a closing remark of the meeting. Ginantihan naman nilang lahat ang ngiti ko at nagpalakpakan na.
I turned my back against them and faced my laptop. Agad kong in-exit ang presentation upang mawala na 'yon sa reflection ng projector na nasa harapan. In-off ko na rin naman 'yon kaya kahit ano pa ang gawin ko sa laptop ko ay ako nalang ang makakakita no'n.
Dumapo ang mga mata ko sa ibabang parte ng laptop at nakita ang oras doon. It's already three PM in the afternoon and still, I don't have an outfit to wear for this evening's party.
Napahilot nalang ako sa sintido ko nang mga oras na 'yon.
Why am I even bothering myself up with that? Kung tutuusin ay pwede naman akong hindi nalang pumunta, hindi naman kawalan sa kanila 'yon—at hindi rin naman kawalan sa akin.
Pero bakit ganito nalang ako kung makapagisip tungkol sa party na 'yon? I am even bothered what dress should I wear!
Paano ko mauutusan ang designer ko na gumawa ng outfit sa loob lang ng ilang oras? That is freaking impossible!
Napasubsob ako ng mukha ko sa ibabaw ng lamesa, sa harapan ng nakabukas kong laptop dito sa conference room. Gusto ko nalang magtago nang buong magdamag.
Kung pwede lang gawin 'yon ay hindi na ko lalabas pa at magpapakita sa kung kani-kaninong tao.
I was busy murdering my own interest while my face is buried on the top of my desk when I heard the door opened. Hindi ko inangat ang ulo ko at nanatili lang ako sa ganoong puwesto.
I heard the door closed and the footsteps of someone, getting closer to me pero imbes na mag-angat na ng ulo ay wala akong ginawa.
"Ma'am? Tulog ba kayo?" Adalyn asked, and I'm still not moving even just for a bit. Kaya siguro ay inakala niyang tulog ako.
I heard a few rustles of something near me, coming closer. Nangunot ang noo ko sa kung ano ang ginagawa ni Adalyn sa mga oras na 'yon pero hindi ko pa rin siya tinignan.
"Kung tulog nga kayo Ma'am, iiwan ko nalang dito itong gown." Gown? What does she mean by that?
"Padala ng Mommy niyo 'yan, mukhang alam niya na ang tungkol sa party na dadaluhan niyo," she added. Hindi ko na napigilan ang hindi mapaangat ng tingin dahil sa narinig kong 'yon sa kaniya.
The moment I raised my head to see her, I saw how she almost jumped from the position where she was standing because of how shocked she was by my sudden move. Tinaasan ko siya ng kilay nang dahil do'n na agad din namang nawala.
May katagalan akong nakatitig lang sa kaniya hanggang sa may mapansin ako na kung anong bagay na nakapatong sa gilid lang niya.
It was a medium sized box. Kulay itim ito na nakabalot sa isang kulay gold na ribbon. There are no any other designs on the box, though. Ang tanging nakaagaw lang ng pansin ko nang mga oras na 'yon ay ang maliit na note na nakatupi sa isa na nasa ibabaw no'n.
Nangunot ang noo ko nang mga oras na 'yon habang nakatitig doon. I guess this is what she was talking about. Hindi na ako magtataka kung bakit alam ni Mom yung tungkol sa party at nagawa niya pa akong bigyan nito.
She has her ways—and the connections.
Tumayo ako sa kinauupuan ko nang hindi nagsasalita. Adalyn on the other hand, was just watching me. Hindi rin ito nagsasalita at talagang nakasunod lang ng tingin sa akin.
Agad na hinawakan ng mga daliri ko ang maliit na note na nandoon. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na binuksan 'yon.
"Here's an outfit for you, darling. Have a great night! Can't wait to see you." - Mom
Those are the words that are written on the note. Hindi ko napigilan ang hindi mapangiwi nang mabasa ang mga 'yon.
I don't like her last sentence. Wala naman silang nababanggit sa akin na bibisitahin nila ako dito sa Anti. I don't remember them saying anything about it.
Kaya bakit parang may pahiwatig ang huli niyang mensahe na 'yon?
Inilapag ko ang sulat na 'yon sa tabi ng box na pinaglagyan ni Adalyn ng regalo na gown na 'yon sa akin ni Mom. She knows what to do about it.
Hindi ko na siya nilingon pang muli at hinarap ko na ang box na 'yon. I tried to remove the gold ribbon that's wrapped around it. Binuksan ko na kaagad 'yon nang matanggal ko 'yon hanggang sa nakita na namin yung damit.
The dress matches the theme of the party, gold and black. Kaya pala ganoon nalang ang kulay ng box na pinaglagyan nito, kasama yung ribbon.
Akala ko ay trip lang ni Mom yung kulay ng box. I never thought that she would buy me a gown for just a small party.
At talagang parehas pa ng kulay ng box, at ng dress yung susuotin ko. Partner na partner talaga ang outfit.
I raised the gown in front me and scanned the whole cloth. It was a black maxi shimmering slit dress with gold earrings. Nakapatong pa 'yon sa ibabang banda ng locker ko. Maging ang sandals na dapat kong suotin ay nakahanda na.
She has the taste, I admit. Sino ba naman ang magtataka sa ganoon kung ang nanay mo ay isang sikat na actress at designer?
"Ayan na po ba ang susuotin niyo mamaya?" I heard Adalyn asked from my side. Napatingin ako sa kaniya at agad na nagkasalubong ang tingin naming dalawa. Ibinalik ko naman ang mga mata ko sa dress.
"I guess so, I have no any other choice but to come. Pag na-bored ako, aalis nalang ako kaagad," I answered. Nakita kong tumango-tango siya sa gilid ng mga mata ko.
Hindi na ako nagsalita pa at inayos ko nalang ang pagkakalagay ng dress na 'yon sa box. I put the box on top of my office table and set it aside—tyaka ako umupo doon at humarap sa laptop ko.
I still have a few hours to sit here and think properly. Wala talaga akong balak na pumunta. I love partying but business parties bores the death out of me.
Kung may hard liquors sila doon, walang problema. Kahit umaga na ko umuwi ayos lang.
"Adalyn, coffee please," I said as I open the folder of the newly presented design. Hindi pa ako tapos na i-review 'yon kaya kailangan ko na 'yong asikasuhin.
"Yes, ma'am," she answered. Hindi na ko nagsalita pa at ipinokus ko nalang ang buong atensyon ko sa screen.
I heard the retreating sound of her heels as the cue that she's now preparing my request. Nanatili nalang ako sa kinauupuan ko habang nagr-review.
Spending my remaining time before the party facing my laptop, what a shame.
"Ma'am? Nakahanda na po yung kotse."
I was busy fixing the boob part of my dress when Adalyn suddenly bursted in inside my room. Hindi ko siya tinignan at nanatiling nasa may salamin lang ang mga mata ko.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa may salamin. I am now wearing the dress that Mom prepared for me along with the heels and the jewelries. Purong gold lang ang gamit kong alahas na siyang bumagay sa tema.
I also decided to wear a black matte lipstick to finalize my look. Maging ang eyeshadow ko ay may gold glitters dahilan para mag-stand out ang mga 'yon. I know I look like a villain who came out from a fairytale but I couldn't care less.
I even took a different posture to see if I finally look very well bago ko binigyan ng atensyon si Adalyn.
When I turned to her, I caught her checking me out. Nangingibabaw ang pagkislap ng mga mata niya habang nakatingin sa akin nang mga oras na 'yon. Her admiration is visible, palihim akong napangisi.
Because of what she did, hindi ko na rin napigilan ang hindi mapatingin sa kabuuan niya.
Kanina nang matapos ako sa design na ginagawa at nire-review ko ay agad akong tumawag sa boutique namin. I made them prepare a dress for Adalyn to wear on the party.
Syempre, hindi naman pwedeng ako lang ang nakasuot ng bonggang damit. She's my personal assistant—she's with me, she also needs to look glamorous.
She's wearing a gold shimmering bodycon dress paired with a gold pumps. Naka-ponytail din ang buhok nito na siyang dahilan upang lumitaw ang napakaganda niyang likod.
Adalyn has a winter glass skin. I admit, she's too beautiful to be a personal assistant.
Akmang magsasalita na sana ako nang bigla kong marinig ang pagtunog ng cellphone ko. It was placed on the top of my vanity mirror.
Napatingin rin doon si Adalyn dahil paulit-ulit na nagr-ring 'yon. Nang balingan ko 'yon ng tingin, my forehead automatically crooked when I saw the name of the person who's calling.
Mom is calling...
answer decline
Lumipat ang mga mata ko sa oras na nakalagay sa taas ng cellphone ko at mas lalo akong nagtaka nang makita 'yon.
I still have an hour before the conference. Why is she calling me so suddenly? This isn't her. I think something is up, and I'm pretty sure that she won't admit that even if I ask her a couple of times.
Hindi ko na pinatagal pa ang pag-ring no'n at agad na rin 'yong sinagot.
"What's with the call?" bungad na tanong ko sa kaniya.
I turned to Adalyn and saw her fixing her dress. Ngumisi nalang ako at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. I stared at myself at the mirror while my phone is on my ear.
"Just checking up on my baby, obviously! So how's the dress? Can I see?" she excitedly said. Napairap ako nang marinig 'yon sa kaniya.
Tumawag lang siya para tanungin ako tungkol do'n? Sounds a bit fishy but I'll just go with what she's doing.
"It's beautiful. Anyway, are you coming to the party?" I couldn't help but ask. Ayun lang ang tanong na sa tingin ko ay pwedeng sabihin sa kaniya para hindi siya makahalata.
I heard her awkward laugh on the other line. Do'n pa lang ay alam ko nang naapektuhan siya sa itinanong ko.
"A-ah, no dear. We have other plans. I'll hang up now, hmm? Enjoy the party. Pumunta ka na at baka ma-late ka pa. Kamustahin mo nalang ako sa mga mam-meet mo do'n," she answered. Naningkit ang mga mata ko.
What's in your head, Ma?
"Okay. Take care, I'll update you," pagpuputol ko ng usapan.
"Bye, darling! Love 'ya!"
Before she could even prolong her sentence, I hang up the phone. Inilagay ko na rin 'yon kaagad sa kulay gold na purse na dala-dala ko at tumingin kay Adalyn.
She's playing with my house keys using her fingers. Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa kaniya hanggang sa mapansin niya 'yon.
I notice how her eyes widened when she realized that I was staring at her. Kasunod no'n ang bahagyang pagpula ng magkabilang pisngi niya.
Hindi ko na siya pinansin at nauna na akong maglakad. She immediately ran towards me when I reached the door of my unit. Siya na ang nagsara para sa akin no'n na siyang hinayaan ko nalang.
"Nakahanda na yung kotse sa tapat ng hotel. Nandoon na rin yung driver," she reminded. Tumango nalang ako at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman siya sa likod ko.