Chapter 8 - Reminder

1040 Words
Reminder "Ma'am, anong gusto niyong almusal?" Napapikit ako ng mariin kasabay ng pagkarinig ko ng mga salitang 'yon. I know the person behind that voice, hindi ko na kailangan pang idilat ang mga mata ko para malaman 'yon. The light from the sun is kissing every inch and corners of my face. I can feel the warmth from it despite of being in an airconditioned room. Nang medyo alam kong kaya ko nang idilat ang mga mata ko ay ginawa ko na. Agad na bumungad sa akin ang asul na kalangitan na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. "Almusal, ma'am?" nalipat ang mga mata ko sa babaeng nakatayo sa gilid ng bintana. Adalyn is standing just beside the window of my room, patiently waiting for an answer from me. Nang magtama ang mga mata namin ay agad niya akong nginitian nang malawak. Napangiwi ako ng bahagya nang dahil do'n. What's so good in the morning? "What are you doing here? Anong oras na ba? Instead of doing things on your unit, nandito ka sa kwarto ko?" I asked her with my forehead creased. Napangiti naman siya sa akin nang pilit dahilan para mapangiwi akong muli. She also scratched the side of her head while smiling like an idiot. "Kasi ma'am... hindi ko pa alam kung paano aayusin yung mga gamit ko. Masyadong malaki yung unit na binigay mo sa akin. Nanliliit yung mga gamit ko," she answered apologetically. Bahagya pang namula ang magkabilang pisngi niya nang sabihin 'yon. Hindi ako nagsalita at nanatili lang na tahimik. She's right. Ang layo ng laki ng dati niyang tinitirahan sa unit ng hotel na ito na binigay ko sa kaniya. Her apartment is so small that my room is even bigger that it, if compared. Hindi ako nagbibiro, totoo 'yon. Pinakitaan rin kasi niya ako ng larawan ng mga 'yon kagabi habang naguusap kami. She thanked me several times about me giving her a free condo unit of her own. Wala naman akong ginawa kundi ang sabihin sa kaniya na hindi niya kailangang magpasalamat sa akin. She even insisted to pay the rent and other house fees but I hardly refused. Binigay ko sa kaniya nang libre 'yon, sa tingin niya magpapabayad pa ako sa kaniya? She's my personal assistant, I made her one. It's my duty to make sure that she's living her life smoothly while doing her job. "Sigurado ka ba ma'am na ibibigay mo 'yon sa akin nang libre? Hindi ka nagsisisi? Final answer?" sunod-sunod na tanong niya dahilan para samaan ko siya ng tingin. Nawala na ang pagiging mahiyain niya. Nung unang nagtagpo kami sa elevator ay halos matupi siya sa pagiging mahinhin, tapos ngayon hindi na matigil ang bibig niya sa kakadada. "Are we seriously bringing this up again?" inis na tanong ko. Agad naman siyang umiling-iling sa akin gamit ang ulo niya bilang pagtanggi. I rolled my eyes away from her. "Ay ma'am, may sasabihin nga pala ako. Yung isa sa rason kung bakit nandito ako nang ganito kaaga," she said that made me look back again at her. Napaupo ako sa ibabaw ng higaan ko nang marinig 'yon. I don't know why but there's something in me that wants to hear what she was about to say. "Hmm?" I murmured. Hindi naman na siya nag-aksaya pa ng oras at nagsalita na. "Naalala niyo yung kagabi na nagbigay ng letter sa inyo about sa business business?" nangunot ang noo ko. "Kanina kasi pagbukas ko ng pintuan ng unit ko, may nakita akong letter sa tapat ng pintuan ng unit nyo. The letter was placed on the top of the mat just in front of your door." "Gigisingin dapat kita para sabihin yung tungkol doon kaso ang himbing ng tulog niyo. And ang appointment niyo for today ay mamaya pang ala una, kaya hinayaan ko nang sulitin niyo yung tulog niyo. Sa pagiging chismosa, hindi ko na napigilang hindi basahin 'yon," she said with a half smile. Gusto kong tanungin kung bakit niya binasa. Kung bakit niya binuksan at sana ay ginising nalang niya ako pero iba ang nangingibabaw nang mga oras na 'yon sa akin. I just want to know what's in the letter. "And?" I asked "Yung sulat na natanggap niyo kagabi, mukhang 'yung sender din no'n ang nagpadala kanina. Gusto talagang um-attend kayo ng party," she answered. Nangunot kaagad ang noo ko nang marinig 'yon. How important is that party for them to invite me twice? How important I am for that party? Kung may dapat silang imbitahin kung business matters 'yon ay ang mga magulang ko. I just happen to be the one who manages our chain of hotels here in Antipolo but I'm not the one who should represent the family. Dapat ay si Mom or si Dad ang inimbitahan nila. Ano bang mayroon doon? Isn't that just a small business party? Why do I really need to attend? Are there hidden agendas there that I happen to not know? "Pupunta ba kayo?" Adalyn asked that made me stop from thinking. Napagtanto kong kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya nang tawagin niya ako. Marahan akong umiling bilang sagot. I also cleared my throat before standing up while covered with my white sheets. "I don't know yet," I answered simply. Hindi siya nagsalita at hindi ko na rin naman siya hinintay pang magsalita, naglakad ako kaagad palapit sa pintuan ng kwarto ko. I need to know the full guests lists of that party. Hindi ako sigurado kung totoo ang pinakita nilang guests list sa naunang sulat. Before I completely got out of my room, Adalyn spoke behind me dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Almusal, ma'am?" she asked me. Hindi ko napigilang hindi mapangisi nang marinig 'yon. Her voice from earlier while she first asked me that question matched. "Pancakes," I answered. Agad siyang napangiti ng malawak nang marinig 'yon sa akin habang tumatango-tango nang paulit-ulit. Hindi ko na siya hinayaan pa na makasagot at naglakad na ako nang tuluyan palayo, dala-dala ang kumot ko na nakabalot sa buong katawan ko. The party will held later this evening. Kailangan ko pang mag-asikaso ng susuotin ko. Should I talk to my designer and ask for a rush outfit? Bumili nalang kaya ako sa boutique?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD