Chapter 6

1687 Words
Chapter 6 Ysabelle Ashleigh Buong klase naman ay puro discussion lang ang ginawa at konting activity. Hanggang sa marinig ko nang tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Bigla naman akong kinabahan dahil makakasama namin mag-lunch si Aden. Ito ang unang pagkakataon na mapapalapit ako sa kanya at hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Hindi ko inexpect na mangyayari ito, yung kakausapin ako ni Aden. Dati kasi kahit mayroon akong paghanga sa kanya okay lang sa akin kahit sa malayo ko lang siya natatanaw. Ngunit napakabuti ng tadhana siya na ang gumagawa ng paraan para magkakilala kami at mapalapit sa isa't-isa.  Tatanggihan ko pa ba ang grasyo kung siya na mismo ang lumalapit sa akin. At matagal ko na rin inaasam na makasama siya kaya gora na ako.   Nang magdismiss ang prof namin ay mabilis kong iligpit ang mga gamit ko. Ganoon din ang ginawa ni Zei at ng matapos kami ay sabay na kaming lumabas ng room ngunit napatigil kami sa paglabas ng classroom namin ng makita namin si Aden sa tapat ng pinto na naghihintay.  "Den nandyan ka na pala," saad ni Zei sa nakatayong si Aden. "Kanina ka pa ba diyan," dugtong kong sabi.  "No, halos kadarating ko lang. Let's go?" wika niya kaya naman tumango na kami at naglakad na. Nauna ng maglakad sa amin si Zei at nasa likuran niya kami.  "Ako na diyan," sabi niya sa akin at kinuha ang mga librong hawak ko.  "Magaan lang naman iyan kaya ko nangbuhatin yan. Ako na lang," sabi ko at kukunin sana sa kanya ang mga libro ko ng bigla niya itong ilayo sa akin  "Ako na lang ayaw kitang mahirapan," seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. Kaya naman hindi na ako kumibo at sumabay na lang sa kanyang maglakad. Hindi ko kasi alam kung paano ko mapipigilan ang kilig na aking nararamdaman kaya naman yumuko na lang ako at naglakad. Nang makababa kami ng hagdan ay nakita ko ang grupo nila Venice na masama pa rin ang tingin sa akin. Ipagsawalang bahala ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may canteen nila Zei at Aden.  Nakita namin sa isang tabi ang mga kaibigan ni Aden kaya naman dumiretso na kami doon. Nakakahiya pa rin makisali sa kanila dahil hindi naman kami gaanong magkakakilala. Pare-pareho lang kaming nag-aaral dito sa university at hanggang doon lang. "Hi Ysabelle," bati nila sa akin at makikipagkamay sana sa akin yung isang lalaki na may kulay asul na mata ngunit pinigilan ito ni Aden. "Try to touch her and I will break your hands," seryosong sabi nito doon sa lalaki. Kaya naman ibinaba niya na ang kamay niya at naupo ulit sa kanyang inuupuan. Isa-isa naman silang nagpakilala sa aming dalawa ni Zei. At napag-alaman ko na ang pangalan pala kanina nung lalaki ay si Ajus. Pagkatapos ay lumapit sa amin yung isa sa mga waiter dito sa canteen at hinatid ang maraming pagkain sa lamesang inuukupahan namin. "May fiesta ba?" takang tanong ni Zei ng makita rin niya ang napakaraming pagkain sa harap namin. "Wala, bakit babe?" saad ni Drake na may malanding tingin kay Zei. Kaya naman inirapan na lang siya ng best friend ko. "Ba't ang dami niyong in-order?" wika niya na hindi makapaniwala. Pang isahang section na kasi yung pagkain na nakahain sa lamesa namin. "Ganyan talaga kami um-order. At saka para mabusog ka babe," malanding sabi ni Drake kay Zei at kinindatan pa ito na kinakilabot naman ng kaibigan ko. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Sa kabilang banda naman ay si Ajus ay kain lang ng kain na para bang wala pakialam sa aming mga kasama niya. Ang weird naman pala ng mga kaibigan ni Aden. Akala ko dati pagpapagwapo lang ang alam nila may tinatago rin pala silang ganitong side. "Bell kain ka na pagpasensyahan mo na lang iyang mga kaibigan ko ganyan talaga sila," paghingi sa akin ng pasensya ni Aden na nakaupo sa tabi ko. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko.  Napaka gentleman niya ay ang bait pa niya kaya hindi ko mapigilan na mahulog sa kanya lalo.  "Salamat ha," pasasalamat ko sa kaya. Ngumiti lang siya at nag-umpisa na kaming kumain abala rin kasi kaming lahat sa pagkain kaya naman hindi namin sila maistorbo. "Matagal na ba kayong magkakaibigan?" wika ko habang tahimik na kumakain ang lahat at kami naman ni Aden ay nagkwentuhan lang. "Yeah since we are 5 years old. Magkakatabing bahay lang kasi kami at magkakaibigan ang mga parents namin," sagot niya sa akin sabay subo sa lasagna na kinakain niya. "Hmm, si Zei rin ba kasama nyo noon?" tanong ko ulit sa kanya ito na rin siguro yung time para mapalapit ulit sila ni Zei gusto kong ulit na maging close sila. "Kilala naman na siya ng mga kaibigan ko. Kasi noong bata kami nakalaro na siya nila Drake. Pero ngayon na lang kasi siya namin nakasama ulit," paliwanag niya sa akin. "Ayos lang ba sayo na maging kaibigan siya ulit. I mean yung kagaya dati nung mga bata pa kayo?" nilakasan ko na ang loob ko na itanong sa kanya iyon dahil gusto ko rin na maging close ulit sila ng best friend ko kasi kahit hindi niya sabihin nakikita ko na miss niya na si Aden. "Oo naman kaibigan pa naman ang turi ko sa kanya in fact she's my little sister," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napangiti rin ako. Hindi ko alam kung natutunaw na ako sa sobrang kilig dahil sa nginitian ako ng matagal ko ng crush. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpahinga lang kami ng konti at kwentuhan din. Masayang kasama ang mga kaibigan ni Aden at maraming kalokohan kaya naman hindi kami nahirapan na makipag salamuha sa mga ito.  Nagpaalam na kami sa kanila dahil malapit na rin kasing magbell at baka malate kami sa next subject namin. "Hatid ko na kayo," pagprisinta ni Aden. Kaya naman hinayaan ko na lang siya. At ang mga kaibigan niya naman ay nagkanya-kanya na rin paalam sa amin upang pumunta na sa kani-kanilang department. Habang naglalakad kaming tatlo pabalik sa room ng tumunog ang phone ni Zei. Kaya naman agad niya itong sinagot.  "Hello Mom," pagka-usap niya sa mommy niya na nasa kabilang linya. "Ah sige po mom papunta na po ako," sagot niya at mukhang natataranta. "Zei ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.  "Kailangan ko nang umuwi Bell may emergency sa bahay hindi na kita masasabay mamayang uwian," sabi niya sa akin. Iyon pa rin ang naisip niya ngayong may emergency na sa kanila. Napakamaalalahanin talaga sa akin ng best friend ko.  "Ano ka ba wala iyon, ang importante puntahan mo na si Tita. Sige na alis ka na," pagtataboy ko sa kanya.  "Ayos ka lang ba talaga?" paninigurado niya pa sa akin. "Oo papa---," hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita si Aden. "Don't worry little sis ako na ang maghahatid sa kaibigan mo," sagot sa kanya ni Aden. Kita ko ang gulat sa mukha ni Zei ng marinig niya ang tawag sa kanya ni Aden kaya naman napayakap siya dito. "Thank you kuya," masayang sabi niya. Masaya ako na makita silang ganito, kahit papaano ay may nagawa  rin ako na makakapagpasaya  sa best friend ko. Sobra-sobra na kasi ang kabaitan niya sa akin kaya gusto ko naman na sumaya siya. "Sige na puntahan muna si Tita, at pakisabi na miss ko siya," sabi ni Aden kay Zei bago niya ginulo ang buhok nito. Pagkatapos ay hinalikan na ako sa pisngi at umalis na. Kaya naman kaming dalawa na lang ni Aden ang magkasama.  Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Aden patungo sa may room ko. "Kahit wag mo na akong ihatid mamaya, itetext ko na lang yung driver namin," sambit ko nakakahiya na kasi sa kanya. "Sinabi ko na kay Zei na ako maghahatid sayo kaya wala ka nang magagawa," sabi niya at kinindatan pa ako. Kaya napa-iling na lang ako sa lalaki na ito. May pagka pilyo din pa lang tinatago. Hanggang sa makarating kami sa room. "Sige dito na lang ako. Thank you!" sabi ko sa kanya.  "Basta ikaw malakas ka sa akin," sabi niya at nginitian ako. At nagpaalam na sa akin para pumasok sa susunod na subject niya. Dumiretso na ako sa upuan ko at ilang minuto lang ang lumipas ng dumating ang prof namin. Puro discuss lang ang naganap buong araw nakikinig lang ako at nag te-take down notes. Nang mag dismiss ay itinabi ko na ang mga gamit ko ngunit hindi pa ako tapos magligpit ng may mga yabag na lumapit sa amin. "Iba rin talaga ang kalandian mo no?" sambit niya sa may likuran ko. "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo Venice kaya pwede ba tigilan niyo ko," sagot ko sa kanya. "Aba lumalaban ka na ngayon ha," inis na sabi niya at sasampalin sana ako ng biglang may pumigil sa kamay niya. Pagtingin ko si Aden na nakatingin kay Venice at mukhang galit. "Subukan mong dumampi ang kamay mo sa kanya ako makakalaban mo," maawtoridad na sabi niya kaya naman takot sila Venice at umalis sa harap namin. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang sabi niya sa akin. "Oo ayos lang ako. Salamat buti dumating ka," nahihiyang sabi ko sa kanya. "Wala iyon basta sabihan mo lang ako. Ba't ka ba nila inaaway?" tanong niya sa akin. "Dahil sayo," nakayukong sabi ko sa kanya. "Sa akin, bakit naman?" takang tanong niya. "Ayaw kasi ni Venice na lumalapit ako sayo," saad ko. "Sino ba siya para sabihin sayo iyon. I don't know her and hindi ko nga siya kaano-ano para pigilan ka," sabi niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. "Wag kang makinig sa kanila Bell. Ako ang bahala sayo at hindi ikaw ang lumalapit sa akin ako ang kusang lumapit sayo dahil gusto kitang makilala. I'm interested with you Bell kaya ginagawa ko 'to kasi I like you," pag-amin niya sa akin.  "Gusto rin kita Aden," mahinang sabi ko ngunit alam kong narinig niya iyon kaya naman sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD