Chapter 5

1272 Words
Chapter 5 Ysabelle Ashleigh   Hindi ko maintindihan ang mga kinikilos kanina ni Aden kaya naman buong biyahe naming dalawa ni Zeira ay puno ng katanungan ang isip ko.   “Hoy, girl ayos ka lang?” tanong sa akin ni Zei pagdating namin sa bahay nila. Pina diretso niya kasi ako sa kanila upang mag merienda muna at makipag kwentuhan kahit saglit lang.   Marami rin akong gustong itanong sa kaniya kaya naman pinaunlakan ko ang kanyang kagustuhan. Nang makababa kaming pareho sa sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bahay.   “Manang pwede po bang makahingi ng juice at pakidala na rin po ng cake dito sa sala. Salamat po,” sambit ni Zei sa isa sa mga kasambahay nila roon. At naupo na sa mahabang sofa.   At ako naman ay naupo sa tapat niya na pang-isahang upuan. Hindi naman nagtagal ay dumating din si manang na may dalang dalawang baso ng juice at cake.   Sumimsim naman ako sa juice na inabot sa akin ni Zei at pagkatapos ay binalik ko na ito. At tumingin sa kanya.   “Ikaw babae ka umamin ka nga sa akin,” pagtataray ko sa kanya. Meron kasi siyang hindi nasasabi sa akin.    “Wag ka nang magtampo diyan bes. Sorry na hindi ko sinabi sayo na magkakilala kami ni Aden. At saka matagal naman na iyon hindi na nga kami close ngayon,” paliwanag niya sa akin.   “Kahit na dapat in-inform mo lang sana ako na nakilala mo siya para hindi ako nagmukhang parang tanga kanina,” saad ko sa kanya. Nabigla rin kasi ako sa nalaman ko kanina kaya ganun na lang ang pagtataka ko ng kausapin siya ni Aden.   “Magkababata kami noon kaibigan ni mommy ang mommy niya kaya nagkakilala kami. Naging magkaibigan din kmi kaso ng umalis kami ay nawalan na kami ng communication at wala na rin akong naging balita sa kanya. Kanina ko na lang nga siya nakausap ulit kung hindi dahil sayo,” mahabang wika niya at mukhang malungkot ng maalala ang samahan nila ni Aden noon.   “Ganoon ba kayo ka-close no’n?” tanong ko sa kanya.   “Oo dati parang kuya na nga ang tingin ko sa kanya noon,” saad niya at makikita mo sa mukha niya ang lungkot.   “Hayaan mo malay natin ngayong nagkausap na kayo ulit baka maging magkaibigan ulit kayo ‘di ba?” wika ko sa kanya kahit man lang mapagaan ng konti ang loob niya.   “Sana nga Bell,” sabi niya at nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng merienda. Nagkwentuhan pa kami ng konti at paglipas ng ilang minuto ay nagpaalam na rin ako sa kanya dahil gumagabi na rin.   Gusto kong mapalapit ang dalawa ulit kahit papaano pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang unang hakbang na aking gagawin. Basta bahala na gagawa na lang ako ng paraan para maging magkaibigan ulit ang dalawa.   Nang makasakay na ako sa kotse ko ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at pinaandar ko na ito pauwi sa bahay. Gabi na rin kasi at baka nag-aalala na sa akin sila mommy lalo na’t hindi ako nakatawag sa kanila kanina dahil namatay na ang phone ko nakalimutan kong i-charge.    Hindi naman kalayuan ang bahay namin sa bahay ni Zei kaya naman agad din akong nakauwi ng bahay at tama nga ang hinala ko naghihintay ang mga magulang ko sa akin sa may sala.   “Hello Mom and Dad,” bati ko sa kanila at hinalikan sila sa may pisngi.   “Kamusta ang pinuntahan niyo?” tanong sa akin ni mommy.   “Ayon po nakakatawa po marami po kaming natulungan na mga bata. Nakakaluwag lang po ng puso kahit sa simpleng bagay lang na binigay namin sa kanila tuwang-tuwa po sila,” masayang pagkukuwento ko sa kanila.   “Mabuti naman kung ganun anak. We are proud of you anak kahit papaano nakikita namin na tama ang pagpapalaki namin sayo at mayroon kang mabuting puso para tulungan ang ibang tao,” saad ni daddy at sabay nila akong niyakap.   Kinuwento ko lahat ng ginawa namin sa bahay ampunan. At nang lumalim na ang gabi na pagpasyahan na namin magpahinga at kanya-kanya na kaming akyat sa kwarto namin.   Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Zei dahil nagpasundo ako sa kanya sa bahay. Tinatamad kasi akong magmaneho ngayon kaya naman dinadaan na lang niya ako sa bahay para isabay ako papuntang school.   Pagdating namin sa school ay sumalubong sa amin ang maraming mga estudyante na naglulumpungan sa may hallway. Wala naman nang bago sa ganitong eksena kapag dumating na ang mga heartthrob ng school kanya-kanya na silang sigaw sa pangalan ng mga iniidolo nila parang mga fans lang mga artista.   Nilagpasan na lang namin ang mga tao doon at nagpatuloy sa paglalakad hindi pa kami nakakalayo roon ng may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko nakita ko si Aden na papalapit sa kinaroroonan namin. “Hi Ysabelle,” bati niya sa akin. Hindi pa ako nakakasagot ng biglang sumabat si Zei na nasa tagiliran ko. “Hello Aden,” bati rin niya kay Aden. Nginitian naman siya nito. Halata sa kanya na gusto niyang mapalapit sa kaibigan ulit.  “Hello, may kailangan ka?” tanong ko sa kanya. “May gagawin ba kayo mamaya?” tanong niya sa amin ni Zei kaya naman nagkatinginan kaming dalawa na parang nag-uusap mata sa mata. “Wala naman. Bakit?” sagot ko sa kanya. “Yayain ko sana kayo mamayang lunch kung okay lang,” saad niya habang nakahawak pa sa kanyang batok na wari mo’y nahihiya. “Oo naman g kaming dalawa ni Bell diyan,” masayang sabi ni Zei na hindi na akong inabalang magsalita pa at tanungin kung gusto ko kaya naman no choice ako kung hindi ang tumango na lang. “Sige sunduin ko na lang kayo mamaya sa room niyo para sabay-sabay na tayong pumunta sa canteen mamayang lunch break,” sabi niya habang hindi mawala ang maaliwalas na ngiti sa kanyang mga labi.   Pagkatapos ay nagpaalam na rin siya sa amin. Napatingin naman kami sa paligid namin at nakita ko ang masamang tingin ng ibang estudyante sa amin dalawa ni Zei lalong-lalo na ang grupo nila Venice na classmate namin. Nagkibit balikat na lang kami at naglakad na papasok sa room namin.  Nang makapasok na kami sa room ay kasunod din namin ang pagpasok ng mga grupo ni Venice. “Napakalandi akala mo kung sino,” sambit niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako sa king umpuan ngunit hindi pa ako nakakupo ng hilahin niya ang kaliwang braso ko.   “Hoy babae ka kinakausap kita kaya wag mo kong tinatalikuran,” inis na sabi niya sa akin. “Wala akong alam sa pinagsasabi mo kaya tigilan niyo ko,” matapang na sagot ko sa kanya at iwinaksi ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.   “Aba! Matapang ka na ngayon ha. Ito ang tandaan mo hinding-hindi mapupunta sayo si Aden dahil hindi kayo bagay. At ako lang ang nararapat sa kanya,” pagkasabi niya noon ay iniwan na kami ni Zei.   Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit sa akin ni Venice. At sa pagkakaalam ko ay wala naman silang relasyon ni Aden kaya wala siyang dahilan para sabihin sa akin iyon. Pero nagdadalawang isip ako kung paunlakan ko pa ang pag-imbita sa amin ni Aden mamaya.    Siguro maganda ng siputin ko na lang siya at tanungin kung mayroon namamagitan sa kanila ni venice para abang maaga malayuan ko an siya at hindi na makasira ng ibang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD