Chapter 4
Aden Nickson
Dali-dali akong sumakay ng kotse ko ng makita kong papasok ang sasakyan na sinasakyan ng daddy ko. Hindi ko siya kayang harapin at makasama ng matagal. Hindi ko alam kung bakit dahil na rin siguro sa nalaman ko tungkol sa kaniya at sa panloloko na ginagawa niya kay mommy.
I am Aden Nickson, I am born with a rich family that has a golden spoon. Kilala ang pamilya namin sa mga nagsusuplay ng mga ibat-ibang klasi ng mga sasakyan sa bansa.
Pero kahit gaano na kayaman ang isang tao minsan hindi pa rin nila nakukuha ang kasiyahan nila. Kagaya ko hindi ko man makamit ang saya sa pamilya ko at least meron akong mga kaibigan na nandiyan para sa akin.
Hindi ko alam kung bakit lumayo ang loob ko sa daddy ko simula nung makita ko siyang may kasamang ibang babae. I idolize him, siya yung taong hinahangaan ko simula pagkabata ko dahil nakikita ko sa kaniya ang sobrang pagmamahal niya kay mommy but I was wrong. Isang kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon.
Kaya simula noong hindi na ako masyadong umuwi sa bahay pag nandyan siya. Madalas akong nasa condo ko kasama sila Tristan at ang iba pa naming kaibigan.
Hindi ko pa rin alam kung bakit nagawa ni daddy sa mommy ko iyon. My mommy is very lovable at adorable person. Laging iniisip ang kapakanan ng pamilya namin at walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin kaming lahat. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ni daddy iyon.
I was the one who saw him with her mistress. Pero wala akong lakas ng loob para sabihin iyon sa mommy ko dahil ayokong masaktan siya pag nalaman niya iyon. Kaya kahit mahirap ay tiniis kong hindi sasabihin sa kaniya at hinayaan ko na lang akong ang masaktan sa panloloko ng daddy ko.
Pinaharurot ko na ang sasakyan ko para agad makaalis sa bahay at magtungo sa paaralan. Kailangan kong makarating ng maaga dahil baka hinihintay na kami para sa charity na pupuntahan namin.
Pagbaba ko ng kotse ko ay nakita ko na ang mga kaibigan ko na nag-aabang sa akin sa gate ng school. Nang makalapit ako sa kanila agad naman siyang nakipag fist bump sa akin at naglakad na kami papunta sa may waiting area.
Late na kaming nakarating at tapos na rin ang meeting kaya naman konti lang naabutan namin na meeting at nag kanya-kanya ng sakay sa mga sasakyan nila papunta sa orphanage na nabanggit kanina.
Pagdating namin sa bahay ampunan. Bumungad sa amin ang medyo maliit at luma ng bahay ampunan. Isa lang itong maliit na bahay ampunan dito sa baryo at hindi gaano kakilala ang baryo na ito. Iilan lang din ang mga naninirahan dito marahil medyo liblib ang lugar.
Tumuloy na kami sa loob at sinalubong kami ng mga Madre na namamahala dito. Dala-dala rin namin ang pagkain na inihanda namin para sa mga bata at iba pang mga gamit maaari nilang magamit.
Binilin sa amin ni Ma'am Calub ang lahat ng dapat gawin kaya naman ng makita na naman ang mga batang tuwang-tuwa sa pagdating namin ay agad naming sinalubong ang mga ito. Kinamusta sila at pinakain muna namin sila.
Habang pinapakain ang mga bata napansin ko naman ang isang babae na masayang nakatingin sa mga bata na inaasikaso niya. At siya si Ysabelle isa sa mga officer sa organization nila. I know her, isa siya sa laging tumutulong pag may ganap sa organization at top student din siya sa pagkakaalam ko.
Isa rin siya sa mga kilalang magagandang babae sa university. I admit that I have a crush on her. Nasa kanya kasi yung hinahanap ng isang lalaki sa babae. Matagal ko na rin siyang naririnig sa mga kaklase ko.
She is a simple girl that I met. Walang kaartehan sa sarili, minsan ay pinagmamasdan ko siya sa malayo. Alam ko sa sarili ko na may gusto ako sa kanya. But I don’t have I courage yet to be confused with her. Kaya hanggang ganito lang muna ang ginawa ko ang pagmasdan siya sa malayo.
Nang makita ko siyang nag-iisa at nakatanaw lang sa mga bata na abalang nakikinig sa mga kasamahan namin do’n ko siya nilapitan.
“Ang saya nilang tignan no,” sabi ko sa kanya habang ako ay nakatayo sa kanyang likuran kaya naman nagulat siya ng konti.
“Oo nga sana lagi na lang silang ganito,” sagot niya sa akin. Pareho lang kaming nakatayo doon at pinagmamasdan ang mga batang masaya. Ito ang unang beses na nilapitan ko siya at kinausap.
Nang matapos ang mga kasamahan namin isa-isa naman kaming tinawag upang sumali sa mga palaro na inihanda ng mga kasamahan namin. Nakakatuwa lang isipin na kahit sa ganitong pagkakataon ay napapangiti namin ang mga bata.
Ito ang unang pagkakataon ko na pumunta sa ganitong lugar. Tumutulong ako sa ibang tao pero ito ang unang pagkakataon ko na makipag salamuha sa iba. At ito rin ang unang beses na makasama ko si Ysabelle. Magkaiba kasi kami ng course kaya ito lang ang pagkakataon na makasama at makausap ko siya.
Patapos na ang event nang biglang tawagin ni ma’am Calub sa stage si Ysabelle. Kinuha niya ang microphone na nandoon at nag-umpisang kumanta.
Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukhang habang kumakanta. Hindi ko alam na marunong rin pala siyang umawit. She is an amazing person that I admire. At dahil do’n ay parang lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.
Hapon na rin ng matapos ang event namin at nag-aayos na kami ng mga gamit namin ng napansin kong may kausap na isang bata si Ysabelle. Ito rin ang batang babae na yumakap sa kanya kanina at mukhang close na sila nito.
Nang matapos sila ay lumapit naman ako kay Ysabelle. At sa tuwing lumalapit ako sa kanya ay parang nagugulat siya at natataran sa hindi ko malamang kadahilanan.
“Close na ata kayo nung bata?” tanong ko sa kanya.
“Ah si stella, hindi naman ganun masyado. Kinausap ko lang siya na pag may free time ako pasyalan ko ulit siya dito,” saad niya habang kinukuha ang mga gamit niya para dalhin sa kotse niya.
“Tulungan na kita,” sabi ko at hindi na siya inantay na makapagsalita at kinuha ko na ang dala niyang gamit. Kaya wala na siyang nagawa, nang makarating kami kung nasaan ang sasakyan niya nadatnan namin do’n si Zeira. Oo kilala ko si Zeira childhood friend ko siya dati kaso simula nung lumipat sila noon at hindi na kami masyadong close ngayon.
“Hi Aden,” bati niya sa akin habang nakangiti. At may kakaibang tingin na ipinataw kay Ysabelle.
“Hello Zei, Kumusta?” saad ko sa kanya. At si Ysabelle naman nagpalit-palit lang ng tingin sa aming dalawa.
“Magkakilala kayo?” tanong niya na parang naguguluhan sa aming dalawa ni Zei.
“Yeah she’s my childhood friend back then,” sabi ko sa kanya kaya naman napatingin siya kay Zei na mayroong pagtatanong. Ngiti lang ang sinagot ni Zei sa kaniya. Pagkatapos no’n ay humarap sa akin si Ysabelle.
“Ah Aden salamat ha,” sabi niya sa akin.
“Wala yun, hmm Ysabelle maari ba kitang ayain lumabas pag minsan?” tanong mo sa kanya.
“Sige sure,” sagot niya naman sa akin. Sa kabilang banda naman ay nakita ko si Zei na parang kinikilig habang nakatingin sa aming dalawa.
“Ok thanks,” masayang saad ko sa kanya.
“Sige alis na kami. Bye,” paalam niya sa akin.
“Bye ingat kayo,” sabi ko sa kanya at inantay ko siyang makapasok sa kotse niya at ako na ang nagsara nito.
Nakangiti akong pumunta sa kotse ko at naabutan ko ang mga kaibigan ko na may ibang tingin sa akin habang pinagmamasdan ako.
“Ba’t ganyan kayo makatingin?” tanong ko sa kanila.
“Ehem pumapag-ibig na ang kaibigan natin,” wika ni Ajus kaya naman nagtawanan silang lahat mga baliw talaga kahit kailan. Hinayaan ko na lang sila at sumakay na ng kotse at umuwi na sa condo ko.