Chapter 3
Ysabelle Ashleigh
Kinabukasan nagising ako sa tunog ng aking telepono. Kaya naman agad ko itong kinapa sa may side table ko para sagutin kung sino man ang tumatawag.
Nang makuha ko na ito hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang tumatawag sa akin agad ko na itong sinagot. Bumungad sa akin ang nakakabinging boses ng bestfriend ko na si Zeira.
“Hoy babaita nasaan ka na ba? Kanina pa ako nandito sa school?” tanong niya sa akin sa kabilang linya.
“Nasa bahay pa ko kagigising ko lang. Bakit ba ang aga mong nambubulabug?” balik na tanong ko sa kaniya.
“Gaga ka talaga may charity event tayong pupuntahan ngayon remember?” pag-tataray niyang sabi sa akin. Kaya naman biglang nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Oo nga pala may charity event ngayon bakit ba kasi nawala sa isip ko na ngayong araw iyong event.
“Oo nga pala. Sige na mamaya na lang Zei,” sabi ko sa kaniya. At hindi na hinintay na makasagot pa siya at binaba ko na ang telepono.
Dali-dali naman akong nagtungo sa banyo para makapaligo. Pagkatapos kong maligo ay kumuha ako ng isang white na blouse at isang high waist na pantalon. At pinarisan ko na lang ng black na rubber shoes.
Inilagay ko na rin sa isang bag ang mga libro na ipapamigay ko sa mga bata tiyak na makakatulong ito sa kanila. Nang ma-iayos ko na lahat ng aking dadalin ay bumaba na ako.
Pagbaba ko ay nakita ko si mommy sa may sala.
“Oh anak ang dami naman niyang dala mo?” tanong niya sa akin ng makarating ako sa harapan niya.
“May charity po kasi kaming pupuntahan ngayon mommy. Kaya naman yung mga ibang gamit ko na nakatambak sa kwarto ay dinala ko na para maibahagi sa mga bata,” sagot ko sa kaniya.
“Ganun ba anak. Halika na at mag almusal ka na muna bago ka umalis,” aya sa akin ni mommy at tinulungan akong ilagay sa sala ang mga gamit nabitbit ko. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa may dining area para mag-agahan.
“Mommy si dadd po?” tanong ko kay mommy. Bago maupo sa upuan na katabi niya.
“Maagang umalis ang daddy mo may imporatnteng meeting daw ngayon sa company kaya naman hindi nakasabay sa atin ngayon.
Tumango na lang ako at nag umpisa nang kumuha ng pagkain ko. At nag-umpisa na kaming kumain ni mommy.
Nang matapos kaming mag-agahan ay hinalikan ko na siya sa pisngi at nagpaalam na sa kaniya. Agad ko naman kinuha ang mga gamit na dadalin ko at inilagay sa kotse.
Nang maayos na ang lahat ay sumakay na ako ng aking kotse at pinaandar ko na ito patungo sa paaralan. Ilang minute lang naman ang aking biniyahe at nakarating din ako. Nakita ko naman agad si Zei na naghihintay sa may parking lot at mayroon din dalang mga naka-paper bag.
Binuksan ko ang pinto ng aking kotse at lumabas doon at kumaway kay Zei. Agad niya naman akongnakita at nagtungo sa kinaroroonan ko.
“Hay sa wakas dumating ka na girl, tara na muna sa loob para makita natin kung sino ang mga makakasama natin doon,” sabi niya at inilagay ang mga gamit niya sa kotse ko. Pagkatapos naming maayos lahat ay pumunta na kami sa waiting area para makita ang mga makakasama naming.
Nang makarating kami sa loob ng school nakita namin si Ma’am Calub na kinakausap na ang mga makakasama namin. Kaya naman lumapit kami roon at nakinig sa kaniya.
Malapit na matapos si Ma’am Calub sa eexplain kung ano ang dapat naming gawin ay bigla namang sumulpot si Aden sa kabilang banda kasama ang mga kaibigan niya.
“Mr. Nickson your late,” wika ni Ma’am calub kay Aden sabay tingin sa mga kasama nito.
“Sorry Ma’am na traffic lang po,” sagot ni Aden at nakinig na rin.
Hindi ko alam na kasama sila pero okay na ito para kahit isang araw man lang masolo ko siya. Sabi ng aking isip. Kaya naman ng matapos ang meeting namin ay kanya-kanya na kaming naglakad patungo sa mga sasakyan naming para magtungo sa isang orphanage na nasa kabilang baryo.
“Kinilig ka naman diyan kasama ang ultimate crush mo,” asar sa akin ni Zei na nakaupo sa may passenger seat.
“Ano naman ang pinagsasabi ko diyan,” sabi ko sa kaniya. at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
“Denial ka pa girl,” sabi niya at may kinalikot sa phone niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinabayaan siya sa pagkalikot ng phone niya. Mahigit kalahating oras din ang biyahe namin bago kami makarating sa isang bahay ampunan.
Kaniya-kaniya na kaming bitbot sa mga gamit na dala namin para sa mga bata. Nang makapasok kami ay sinalubong kami ng mga madre na nag-aalaga sa mga bata. Nagpakilala naman kami sa kanila at konting pagkukuwentuhan ang naganap bago naming makita ang mga bata na masayang-masaya ng malaman na darating kami ngayong araw.
Nang handa kami ng konting pagkain para sa kanila. At pagkatapos ay nagkaroon kami ng story telling ma kung saan ang mga bata ay tahimik na nakaupo at nakikiig sa kwento. Ang sarap sa mata nap ag masdan silang ganito na may tuwa sa mga labi.
“Ang saya nilang tignan no,” sabi ng isang baritong boses sa likod ko.
“Ah oo nga nakakatuwa silang pagmasdan,” sagot ko naman sa kaniya. Hindi ko akalain na nasa likuran ko pala si Aden.
“Sana ganito lagi pumasyal ulit tayo rito,” wika niya.
“Oo naman makita lang nila tayo sobra na ang saya na makikita mo sa mga mukha nila,” sabi ko habang nakatingin sa mga bata at may ngiti sa aking mga labi.
Pareho lang naming pinagmasdan ni Aden na seryosong nakikinig sa pagbabsa ni Zeira at kasama ang iba naming mga kasamahan. Nang matapos sila ay muli naming pinag meryenda ang mga bata para kahit paano ay hindi sila magutom sa susunod na aktibidad na aming inihanda para sa kanila.
Nang matapos na silang kumain ay nagpahinga muna sila. At ako naman ay naupo lang sa may isang beach habang nakatingin sa mga bata masayang nagkukwentuhan nang may lumapit sa aking isang batang babae.
“Ate pwede pong makiupo,” tanong niya sa akin. Mukhang nasa sampong taong gulang na ito.
“OO naman halika dito sa tabi ko,” sabi ko a kaniya sabay turo sa tabi ko.
“Ate salamat po at nagpasyal po kayo rito napakasaya po namin ngayon,” wika niya sa akin habang makikita sa kaniyang mukha ang saya.
“Ano ka ba wala iyon, hayaan mo pag minsan papasyalan ko kayo ulit ditto,” sabi ko sa kaniya kaya naman lalo siyang natuwa.
“Talaga po?” paninigurado niya sa akin.
“Oo promise,” sabi mo sa kaniya at tinaas ko pa ang isa kong kamay na parang nanunumpa sa kaniya.
“Thank you po ate aasahan ko po iyan,” saad niya sabay yakap sa akin kaya naman niaykap ko rin siya.
Nagkuwentuhan pa kaming dalawa at nalaman ko rin na sanggol pa lamang siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina rito sa bahay ampunan. Nang marinig naming tinatawag na sila sa loob at mag-uumpisa na ang show ay sabay kaming nagtungo sa may mini hall na kung saan gaganapin ang hinandang show ng mga kasamahan ko.
Nagsimula ng magkaroon ng mga patimpalak na kung saan isa-isa sa amin maglalaro at may kasamang mga bata. Nagkakasiyahan ang lahat pati na rin ang mga Madre na naroon ay nakisali rin sa amin.
Nang malapit ng matapos ang show ay umakyat sa mini stage si Ma’am Calub.
“Bago po magtapos ang event natin na ito maari ko bang marinig ang tinig mo Ms. Ashleigh napag-alaman ko na may tinatago ka raw na talento. Maaari mo bang ibahagi sa amin ito,” saad ni Ma’am Calub.
Napatingin naman ako sa mga taong naroon na naghihintay sa akin. Alam ko na kung sino ang may kagagawan nito. Kaya naman tumingin ako sa madaldal na kaibigan ko at iyon nakangiti ang gaga.
No choice naman ako kung hindi ang pumunta sa stage. Wala akong maisip na kantahin at hindi rin ako na inform na may ganito. Kaya naman napagpasyahan ko na lang kantahin ang kanta sa The Greatest Showman na A Million Dreams.
I close my eyes and I can see
The world that's waiting up for me
That I call my own
Through the dark, through the door
Through where no one's been before
But it feels like home
They can say, they can say it all sounds crazy
They can say, they can say I've lost my mind
I don't care, I don't care, so call me crazy
We can live in a world that we design
'Cause every night I lie in bed
The brightest colours fill my head
A million dreams are keeping me awake
I think of what the world could be
A vision of the one I see
A million dreams is all it's gonna take
Oh a million dreams for the world we're gonna make
There's a house we can build
Every room inside is filled
With things from far away
The special things I compile
Each one there to make you smile
On a rainy day
They can say, they can say it all sounds crazy
They can say, they can say we've lost our minds
I don't care, I don't care if they call us crazy
Runaway to a world that we design
Every night I lie in bed
The brightest colours fill my head
A million dreams are keeping me awake
I think of what the world could be
A vision of the one I see
A million dreams is all it's gonna take
Oh a million dreams for the world we're gonna make
However big, however small
Let me be part of it all
Share your dreams with me
You may be right, you may be wrong
But say that you'll bring me along
To the world you see
To the world I close my eyes to see
I close my eyes to see
Every night I lie in bed
The brightest colours fill my head
A million dreams are keeping me awake
A million dreams, a million dreams
I think of what the world could be
A vision of the one I see
A million dreams is all it's gonna take
A million dreams for the world we're gonna make
For the world we're gonna make
At nang matapos ko ang kanta ay nagpalakpakan ang lahat at nakita ko si Stella na patakbo papuntang stage at niyakap ako.
“Ang galing mo ate bell,” sabi niya sa akin na masayang-masya. Kaya naman hindi ko napigilan ang aking saya at niyakap din siya ng mahigpit. Pagkatapos ay nagpaalam na kami sa kanila. Nagpasalamat din sila sa pagpasyal naming sa bahay ampunan. At nagpaalam rin ako kay Stella na babalik ulit ako roon.