Chapter 2

1218 Words
Chapter 2 Ysabelle Ashleigh   Nang matapos ang pagdidiscuss ng lesson ni Sir Corpuz ay nagpaalam na rin siya. Nang makalabas na ng room ang prof namin kanya-kanya na ang mga kaklasi ko sa pagkukuwentuhan.  Tumingi ako sa katabi ko na patingin-tingin lang sa mga kaklasi namin. “Hey Zeira ba’t hindi mo sinabi na rito ka rin pala papasok di sana sinabay na kita kanina,” sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin. “Hindi ko pa kasi natitignan iyong schedule ko kaya hindi ko rin alam na rito pala ako, at kaklasi pa kita,” natatawang sabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya at magiging kaklasi. “Buti naisipan mo mag-transfer dito ?” tanong ko sa kanya. “Dito kasi ako pina-transfer ng parent ko and kakilala nila ang may-ari ng school kaya no choice ako,” sagot niya sa akin. At may nilabas sa bag niya. “Cookies gusto mo?” tanong niya at saka abot sa akin ng naka-topper wear na cookies. Kumuha ako ng isa. Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan marami rin akong nalaman sa kanya. Ang sarap niyang ka--kuwentuhan at kasama. Sabay din kaming naglunch, at kami rin dalawa ang lagging magkatabi sa upuan.   Laging kami ang magkasama sa bawat araw na lumipas. Nagkakasundo kami sa ibang bagay minsan naman ay magkaiba kami ng gusto pero okay lang naman iyon. Masaya ako sa araw na kasama ko siya parang best friend na nga ang tingin ko sa kanya. At sa bawat araw na kasama ko siya napakagaan ng loob ko sa kanya.   “Ahm Bell can you be my best friend, “ sabi niya sa akin habang nakaupo ako sa upuan ko at nagbabasa ng libro. Napatingala ako sa kanya at nakita ko siyang may hawak na chocolate at inaabot sa akin. “Oo naman best friend na tayo,” sabi ko sa kanya at sabay ngiti. Niyakap niya ako sa sobrang saya kaya naman napayak din ako sa kanya. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na kagaya niya, iyong lagi mong kasama at laging nandiyan para samahan ka sa lahat ng bagay. “Yes thank you Bell, you are my first best friend,” sabi niya sa akin at umupo na sa kanyang upuan. “Ako din Zei,” masayang sabi ko sa kanya at nagyakapan kami ulit. Hindi ko mapigilan ang sobrang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa unang pagkakataon ay nagkaroon ako ng kaibigan. She is my first bestfriend and the one who accept me. Nag-usap lang kami ni Zei at hinintay ang prof namin sa last subject namin. Nang matapos ang klase namin ay lumabas na kami sa room para umuwi habang naglalakad kami sa hallway nakasalubong namin ang magkakaibigan na sina Aden ang mga heartthrob dito sa school. At si Aden na matagal ko nang iniibig sa patagong paraan. Nagpatuloy lanag kami sa paglalakad at hinawakan ko ang kamay ni Zei para bilisan ang kanyang paglalakad. “Wait Bell ang bilis mo naman maglakad,” pagrereklamo nito hinila ko kasi siya para agd kaming makaalis do’n at baka mahalata pa ni Aden ang kakaibang tingin ko sa kanya. “Ah wala hehe… halika na,” palusot ko sa kanya ngunit kita niyang ang pagkataranta ko nang makita ko sila Aden. “Teka nga Bell may hindi ka sinasabi sa akin ha,” sabi niya at pinakatitigan ako na para bang sinusuri ang aking mga kilos. Mag-iisang buwan ko na rin kasama at naging kaibigan itong si Zei kaya naman bawat kilos ng isa sa amin ay alam na namin. “E kasi naman Zei may gusto ako do’n sa isa sa mga nakasalubong natin kanina, matagal na akong may lihim na pagtingin sa kanya kaso hindi ko sinasabi, at saka hindi niya naman na kailangan pang malaman,” sabi ko sa kanya. “Sino ba sa mga iyon?” tanong na naman ng chismosa kong kaibigan. Hay ba’t ko nga ba tinaggap ‘tong babae na ito bilang best friend ko e napaka maisyosa. “Iyong pangatlo, yung gwapo na si Aden,” sagot ko sa kanya. “OMG ang galing mong tumingin ng gwapo ha isang Aden …” hindi ko na niya natuoy pa ang sasabihin niya ng takpn ko ang bibig niya. Napakaingay talaga ng babae na ito. “’Wag kang maingay baka may makarinig sa atin,” sabi ko sa kanya at tinanggal na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. “Kung makatakip ka naman dyan parang gusto muna akong patayin ha,” pagtataray na sabi sa akin ni Zei. “Talagang papatayin kitang babae ka pag may nakaalam ng sekreto ko,”  sabi sa kanya na may pagbabantang tono at hinila na siya palabas ng gate ng school. Balak pa kasi naming mamasyal sa mall at magdate. Kasi ang mag best friend kailangan nagde-date rin. Hindi lang magjowa ang may karapatan magdate no. Sumakay na ako sa passenger seat ng kotse ni Zei at siya naman ang aking dakilang driver. Charr   Minsan kasi ako ang nagda-drive pag may gala kaming dalawa kaya ngayon siya naman ang taya sa aming dalawa. Pinaandar niya na ang makina ng kotse at pinausad na ito patungo sa Mall.   Gusto daw kasing mag samgy nitong babae na ito kaya naman pinagbigyan ko. Ewan ko ba naman kay Zei parang naglilihi gusto kumain ng gano’n.  Pero okay na iyon para naman malibang kami at matanggal ang stress namin sa dami ng mga requirements na kailangan naming ipasa sa susunod na linggo.   Nang makarating na kami sa Mall ay naglakad-lakad muna kami para mag shopping ng iilang gamit na kakailanganin namin. Isang oras lang ang lumipas ng matapos kami sa pamimili, at nagrereklamo na rin si Zei na gutom na kaya naman pumunta na kami sa isang Korean Restaurant na nag-ooffer ng Samgypsal. Pumasok na kami sa loob at nag-order na ilang minute lang ang lumipas at nag-umpisa na nga kaming kumain.   Masaya kaming nagkukuwentuhan ni Zei habang kumakain. Mga ilang oras din ang aming tinagal sa restaurant na iyon bago kami lumabas. Nagtungo na kami sa parking lot gabi na rin kasi kaya naman naisipan na naming umuwi. Hinatid ako ni Zei sa bahay. “Thank you Zei, ingat ka ha. I love you text me when you are home,” sabi ko sa kanya at hialikan siya sa pisngi bago bumaba ng sasakyan niya. “Okay Bell I will, I love you too,” sabi niya at pinaandar na ang sasakyan niya at tuluyan ng umalis. I am thankful that I found a best friend like her. I best friends has a kind hearted, sweet, caring, and always there for me.   Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si mommy na nakaupo sa sala. “Hi mom,” bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Oh anak ginabi ka,” tanong ni mommy sa akin. “Nag-aya po kasing lumabas si Zei kaya po sinamahan ko,” sagot ko sa kanya. “Ah gano’n ba sige pahinga ka na anak,” wika ni mommy at hinalikan ako sa aking pisngi. Nagpaalam na ako sa kanya at nagtungo sa kwarto ko upang maglinis ng katawan bago matulog. Nang matapos na aking maligo ay nagsuot na ako ng damit pantulog at nahiga na sa kama ko. Ilang minuto lang akong nakatitig sa kisame ng biglang pumasok sa isip ko ang itsura kanina ni Aden lalo siyang gumwapo.  Na tila ba’y lalo akong nai-inlove sa kanya. Sa pag-iisip ko kay Aden hindi ko namalayan na nilamon na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD