Tatlong araw pang nanatili sa ospital si Baby Dale , samantalang si Baby Ralph naman ay nakaconfine pa rin at kasalukyang nasa NICU. Tahimik na inaayos ni Amber ang mga gamit ni Baby Dale, nakatalikod siya sa akin kaya malaya akong tignan siya, hindi ko maiwasan ang mapangiti ng mapadako ang paningin ko sa bandang balakang niya na may kalaparan na rin kahit magdadalawang buwan pa lang siyang buntis. Ilang beses ko nang tinangka na kausapin siya para humingi ng tawad sa nagawa kong pananampal at paglilihim sa kanya pero naunahan ako ng takot, takot na makita ko nanaman sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya ng dahil sa akin. Pero hindi naman maaaring manatili na lang kaming ganito, yung hindi nagkikibuan, palaging nag-iiwasan. Nilagyan ko ng harang ang magkabilang gilid ng kama k

