bc

Married to Zachary Yvo Montevista

book_age0+
184.3K
FOLLOW
706.0K
READ
love-triangle
love after marriage
second chance
pregnant
arrogant
badboy
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"Masasaktan at mahihirapan ka lang sa naging desisyon mo Amber, alam mong hindi ikaw ang nais kong makasma. Kahit kailan hindi magbabago iyon"

-Zach

chap-preview
Free preview
1
Isang buwan na kaming kasal pero parang wala lang sa kanya, hindi nya nanaman ako kakausapin, mukhang kailangan ko ng masanay sa pagtrato nitong si Zach sa akin, kagabi nag iwan lang siya ng note sa ref para sa almusal na gusto niyang kainin ngayong umaga, ganito ang way nya ng pakikipag-communicate sa akin salamat na lang sa sticky note at nalalaman ko p ang mga pagkain na gusto niyang ihanda ko para sa kanya, bukod doon wala na siyang ibang sasabihin o ikukuwento man lang sa akin. Nagpapasalamat ako sa in laws ko dahil na rin sa palagi nilang pagbisita sa akin dito sa bahay namin ni Zach, sila na lang kasi ng maituturing ko na pamilya dito sa Pilipinas dahil nag migrate na sa Amerika sina Mama at Papa kasama si Ate Beatrice noong isang taon, nagpaiwan lang ako dito dahil hindi ko kayang itigil ang pag-aaral ko dito. "Ambeeeeeeeeeeer!!!!!!" natigil ako sa pagmumuni nang humahangos na dumating ang bunsong kapatid ni Zach na si Adriene, ganito talaga itong babaeng to parang laging may emergency kung makatawag samantalang malapit na lang kami sa isa't isa. "Bakit? Ang ingay mo lagot ka nanaman sa kuya mo, malamang nagising na naman yun dahi sa lakas ng boses mo, para ka talagang nkalunok ng mega-...." hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang marahas na bumukas ang pinto ng kuwarto namin ni Zach at lumabas ito nakakunot ang noo at halatang nasira talaga ang tulog. "What the hell is your problem Adrienne?!" Marahas niyang tanong sa nakababatang kapatid, ako naman ay napakislot nang bahagya dahil sa lakas ng boses ni Zach. "Bakit nandito ka gantong oras?" "Sorry !malay ko bang nandito ka " kunway hinging paumanhin ni Adrienne ngunit mababakas sa tinig nito ang pang-aasar. "Malamang nandito ako bahay ko ito eh" "Whatever brother, matulog ka na lang uli, isasama ko si Amber sa mall ngayon ha, titingin kami ng baby clothes , nakakahiya naman kasi sa iyo ni hindi mo man kang maisipan na bumili ng mga gamit ng baby and maternity dress for your wife, mas inuuna mo pa kasi yang basketball na iyan " pagsusungit naman ni Adrienne sa kuya nya ni hindi man lang natakot na mabulyawan nanaman . "Ahm, Adriene, huwag na binilhan ako ni Mommy lastweek, saka hindi naman ako naglalalabas ng bahay eh, saka diba nakaskirt naman ako sa scchool, naipa adjust ko naman na yung mga uniform ko, yung gamit ni baby next month ko pa sana balak bumili pag nakapag pa-ultrasound na ko" paliwanag ko dito, nakita ko naman si Zach na bumalik na ng kuwarto namin at pabalibag na isinara ang pinto. "Ok, but can I stay here? Wala naman akong pasok ngayon eh. Abnormal talaga yang si Kuya." anito. malapit talaga ako sa kanya dahil palagi akong nasa bahay ng mga ito noong maayos pa ang relasyon namin ni Zach at noong mga panahon na hindi pa pumapasok sa buhay namin si Audrey. Ang babaeng kinahuhumalingan ni Zach ngayon, nawalan ng saysay ang tatlong taong relasyon namin nang makilala nito si Audrey sa isang event ng school noong isang taon, simula noon halos walang araw na hindi kami nagtatalo ni Zach. " Sige matagal-tagal na rin naman tayong di nakakapagbonding kung saan saan ka kasi naglululusot eh." "Yes! Whoooooohh! Hey you brother i'll be staying here for the whole day!!!" sigaw nito halatang nang-aasar. "Kaya magbehave ka lang diyan sa loob ha, wag ka munang lalabas ." "Tama na yan , halika na at mag almusal muna tayo,para naman bumalik sa katinuan yang isip mo" nilagyan ko ng ham,bacon, at fried rice ang pinggan niya. Wala pa ring patid sa pagkukuwento si Adrienne tungkol sa kung anu-anong bagay, halos mabilaukan na ako dahil panay ang tawa ko sa mga pinagsasasabi niya. Malapit na kaming matapos sa pagkain ng mapansin kong lumabas ng kuwarto si Zach, nakaformal attire ito saka ko lang naalala na Final Defense na nga pala nila ngayon. "Wow pogi ah, san ka pupunta kuya?" bumanat nanaman si Adrienne. "Sa School,my defense ako ngayon kaya wag mo akong kulitin, tapusin mo na yang pagkain mo" ani Zach saka umupo sa kabisera "Hmp! Sungit! Nga pala pinapasabi ni Mommy na papapuntahin na niya si Aling Fe dito sa friday para daw may mag asikaso na dito sa inyo" "No. hindi na kailangan yun. Kaya naman Amber ang mga gawain dito saka wala kaming pampasuweldo kay Aling Fe. Kailangan magtipid marami na kaming gastusin dito sa bahay. Kung dati siguro nung single ako kukunin ko pa si Aling Fe" "What? Ibinigay na nila Mommy sayo ang rights sa mga bahay na pinapaupahan natin dito. Kaya nga sayo napupunta ang bayad nila monthly tapos sasabihin mo na wala kang pansuweldo kay Aling Fe? Look Kuya, your wife is barely 5 months pregnant tapos siya ang pakikilusin mo dito sa bahay. Hindi ka ba nag iisip?" napatayo na si Adrienne, halata sa mukha nito ang pagka-inis sa naktatandang kapatid. Ako naman ay mabilis na inabot ang kamay ng dalaga at pilit siyang hinihila upang maupo, ngunit hindi niya ako pinapansin. " Stop it Adrienne, wala kang pakialam sa mga desisyon ko sa bahay na ito.Hindi naman imbalido si Amber para kailanganin pa ng katulong dito sa bahay! Hindi naman ito mansyon dapat nga nagkikikilos siya para hindi mahirapan sa panganganak eh!" bulyaw nito sa kapatid. Samantalang ako, hindi na ako makakilos sa kinauupuan ko dahil sa tensyon na namamagitan sa magkapatid, nagtatalo na sila ngayon nang dahil sa akin. "Adi, ok lang sanay naman ako sa mga gawaing bahay. Ano ka ba one year na akong walang katulong sa bahay simula nung mag migrate sina Mama diba." mahigpit kong pinisil ang kanyang kamay, doon niya lang ako tinignan. Tumahimik na ito at pabalyang umupo sa silya, panay pa rin ang pag-irap na gingawa niya sa kapatid. Nagulat na lang ako ng ihagis ni Zach ang table napkin sa tabi ng cup na naglalaman ng kape niya at biglang tumayo. "Damn! Makaalis na nga ang galing ninyo talagang manira ng araw" "Damn ka din! pagdating kay Amber ganyan ka pero pag yung maharot na si Audrey na ang pinag uusapan halos ibigay mo lahat ng savings mo para lang mabili mga luho niya! Ang sama mo kuya! kasal ka na pero hindi mo pa hinihiwalayan yung malanding yun!" nagulat ako sa sinabi ni Adi, hindi ko akalain na alam niya pala ang patuloy na relasyon ng kapatid at ni Audrey, hindi naman lingid sa akin yun dahil ilang beses k na rin naman silang nakikita na magkasama kahit na kasal na kami. "Wala kang karapatan na pagsalitaan nang ganyan si Audrey! una pa lang nakipaghiwalay na ko sa babaeng yan! pero ano ang ginawa? kapit tuko sa akin!!! naaawa ka sa babaeng yan? bakit hindi mo intindihin ang sitwasyon ni Audrey? Siya ang mahal ko pero ibang babae ang pinakasalan ko dahil lang sa lintik na obligasyon na yan!!!" galit na galit na sigaw ni Zach sa kapatid habang dinuduro ako. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis sa hapag kainan at kinuha ang mga gamit niya sa center table. Napaiyak ako sa sobrang sama ng loob, sa tanang buhay ko ngayon lang ako napagsalitaan nang ganon nadamay pa ang magiging anak ko. "Sorry ate" niyakap ako ni Adi, habang patuloy lang ako sa pag iyak. Galit na galit sa akin si Zach dahil hindi niya magawang mahalin ng malaya si Audrey dahil sa akin. Ako nga ang asawa niya pero ako ang umaamot ng pagmamahal. Malayong malayo na siya sa dating Zach na nakilala ko, yung halos lahat ibibigay sa akin. Ngayon puro galit at disgusto ang ipinapakita at ipinararamdam niya! Nahihirapan ako sa sitwasyon ko, gustuhin ko mang makipaghiwalay ay hindi ko magawa! Naririto na ako ngayon, kasal na kami, asawa ko na siya! Ngayon pa ba ako susuko? Natitiyak ko na pansamantala lamang ang nararamdaman ni Zach para kay Audrey kaya handa akong hintayin siya… handa akong masaktan hanggang sa mapagtanto niya na ako at ang magiging anak namin ang mahalaga para sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.5K
bc

Married By Mistake

read
170.8K
bc

Billionaire's Twins

read
263.5K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.9K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.6K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook