2

2434 Words
"Aaahh Z-zach hmmm" napayakap ako nang mahigpit kay Zach as we both reached our climax. Hindi naman nagtagal ay tinanggal niya ang mga braso kong nakayakap sa kanya at umalis sa pagkakaibabaw sa akin. Yes, ginagawa pa rin namin ito ni Zach kahit na alam ko na ibang babae ang nasa isip at puso niya. Kung dati ay hahalikan niya pa ako after we made love, ngayon ay tinatalikuran niya na lang ako pagkatapos namin mag s*x. Yes, on his part it was just s*x at nasasaktan ako sa katohanang sumasampal sa akin sa tuwing gagawin namin iyon. Hindi ko magawang tumanggi sa gusto niya dahil nung minsang umayaw ako ay pinagbuhatan niya ako ng kamay. Kinuha ko ang robe na nasa sahig at sinuot iyon. Napahawak ako sa tiyan ko, limang buwan na ito pero walang pag iingat sa mga galaw ni Zach sa tuwing aangkinin niya ako. Kahit anong pakiusap ko na magdahan dahan at mag-ingat ay nananatili itong bingi. Ang mahalaga sa kanya ay ang mailabas ang init ng kanyang katawan sa pamamagitan ng paggamit niya sa akin. Natigilan ako sa pagkilos nang may gumuhit na sakit sa aking tiyan kaya napaupo ako sa edge ng kama, humigit ako nang malalim na paghinga at pilit kong kinakalma ang aking sarili. "Sorry baby, nasaktan ka ba?" hinimas himas ko pa ito na para bang pag ginawa ko yun ay mawawala ang sakit pero lumipas ang ilang minuto tumindi na ang pananakit at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko na tila basa ang pagitan ng aking mga hita. "No….” hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, unti-unting nagpatakan ang akingmga luha, hindi ko rin maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman. “No…this can’t be…Baby…please stay with Mommy… Zach!!! Ahhh! Zach, ammpp! Zach" pinagpapawisan na ko dahil sa sobrang sakit. Pinilit kong makalapit sa knya para gisingin siya,wala na ring tigil ang pagtulo ng luha ko dahil na rin sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. "Zàaaaachhh!!!! ahhhhhmmmmp" ZACH'S POV Nagising ako sa pagsigaw ni Amber kasabay nito ang pagbagsak ng katawan sa kama habang hawak ang kanyang tiyan at namimilipit sa sakit. "What the...Amber? Sh*t! Anong nangyayari sayo?" tumayo ako at sinipat kung ano ang nangyayari sa kanya . Natigilan ako nang makita ko ang pag-agos ng dugo sa kanyang hita, mabilis ginawa kong pagkilos, binihisan ko na si Amber at pagkatapos ay ako naman ang nagmamadaling nagbihis. "Amber?" tawag ko sa kanya pero tila hindi na ako nito naririnig nawalan na ito ng malay. "Sh*t!, hold on, Oh God, Amber wake up!". Kanina pa ako dito sa labas ng ER, hindi ko alam kung anong nangyari at dinugo si Amber. Natatakot ako sa sasabihin ng doktor, natatakot ako na mawala yung baby namin.Ito naman talaga ang gusto kong mangyari noon pa, pinilit ko pa nga si Amber na ipalaglag ang bata pero hindi ito pumayag.Pero sa tuwing makikita ko si Amber na hinihimas ang maumbok na niyang tiyan ay hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Minsan magugulat na lang ako sa sarili ko nag-iisip na pala ako ng maaaring maging pangalan ng baby, malayong malayo sa reaksyon ko noong malaman kong buntis si Amber. "Let's get rid of that thing" sabi ko kay Amber, nandito kami sa garden, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na huwag na niya aong ountahan pa pero mapilit talaga! Nakipaghiwalay na ko sa kanya two weeks ago, pero wala itong ginawa kundi sundan at tawagan ako para daw ayusin namin ang relasyon namin. Para sa akin wala ng dapat ayusin, tapos na kami, may iba na akong mahal at si Audrey yun. Kahit na anong gawin niya hindi pa rin ako makikipagbalikan sa kanya. "Hindi! Ayoko! Zach! Ano bang nangyayari sayo? Anak natin ang pinag-uusapan natin dito.Pano mo nasasabi yang bagay na yan? Hindi ka ba natatakot sa Diyos?" umiiyak na sagot ni Amber inakap pa nito ang tiyan na tila ba pinoprotektahan ang nasa loob nun. "Pag tinuloy mo yan, siya din ang magdurusa Amber kaya hanggat maaga tanggalin na natin iyan huwag mo ng dagdagan ang prob-" hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko ng bigla na lang dumapo ang kamay ni Amber sa pisngi ko. "Ang kapal ng mukha mo Zach!!! Damn you! binigay ko lahat...lahat para sa iyo tapos ganito ang gagawin mo sa akin? Bigla mo na lang akong iiwan para sumama kay Audrey? Ilang buwan pa lang kayong magkakilala,ipinagpalit mo ang tatlong taon nating dalawa para lang sa babaeng yun?!!! Hayop ka! napakahayop mo! papatayin mo ang sarili mong dugo at laman para lang wala kayong maging problema? Tang ina mo!!! Kaya kong buhaying mag-isa ang anak ko." "Tapos ka na? Halika na" saka ko siya hinila papasok sa loob ng bahay "San tayo pupunta?" pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa braso niya. Kitang kita ang takot sa mga mata nito. "We're going to end this problem" "No!!! Damn you Zach, bitiwan mo ko hindi ko ipapalaglag ang anak ko!!!" "Shut up! Dugo pa lang yan! Wala pang nararamda-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may kamaong dumapo sa akin. Tinignan ko kung sino ang gumawa nun... si Daddy. Inabot niya ang kuwelyo ko at sinuntok uli. Napangiwi ako ng malasahan ko ang dugo sa labi ko. "Damn you Zachary! Hindi kita pinalaking ganyan! Sarili mong anak binabalak mong patayin?" nangigigil na sabi ni Dad sa akin, mababa ang tono ng boses niya ibig sabihin galit na galit siya. "Frederico, tama na yan pag-usapan natin to ng maayos. Parang awa mo na wag mong saktan ang anak mo" si Mommy, umiiyak na rin habang yakap ang nanginginig na si Amber. Binitawan naman ako ni Papa "Go to my office young man!" maawtoridad nitong utos. .......... "No Dad! Hindi kami magpapakasal ni Amber. Ayoko alam niyo naman na may girlfriend na ko diba? Huwag niyo nang ipilit ang bagay na hindi naman talaga puwede" "As far as I remember si Amber ang nobya mo at kung meron mang iba hindi ko na problema yun dahil si Amber lang kinikilala namin ng mommy mo, huwag mong talikuran ang responsibilidad mo sa mag-ina mo Zachary." "At pano naman si Audrey? Dad, listen to me, wala na kami ni Amber tinapos ko na kung ano man ang meron sa amin-" "Tinapos mo? C'mon son, nagsisimula pa lang ang lahat para sa inyo ni Amber at ng magiging anak mo wag mo kong gawing tanga hijo, kung wala ka naman na palang pagmamahal kay Amber eh bakit ginalaw mo pa? ngayong nagbunga ang ginawa mo gusto mong patayin ang sarili mong anak? don't you dare hurt her and my grandchild ako ang makakalaban mo! hindi mo alam kung paano ako magalit Zachary Yvo." "Bahala kayo! Pero ito ang tatandaan mo dad hinding hindi ko pakakasalan si Amber, kung meron man akong babaeng ihaharap sa altar, walang iba kundi si Audrey, siya lang ang pakakasalan ko Dad. Si Audrey lang!!!" lumabas na ako ng office dahil hindi ko na kayang makipagtalo sa kanya, ngayon lang kami nagkasagutan ng matindi kaya umiwas na ko ayoko pa ring masira ang relasyon namin ng mga magulang ko. Mula noon hindi na ako umuwi, tumira na ako sa isa sa mga bakanteng bahay na pinauupahan nila Mommy. Naghanap ako ng trabaho para makaraos ako sa mga gastusin. May savings account ako at alam ko na kahit wala ako sa poder nila nagdedeposito pa rin sila dito napagpasyahan ko na lang na hindi ito galawin. Dalawang buwan na mula nang umalis ako ng mansion, maayos naman ang lahat napagsasabay ko ang pag aaral at pagtatrabaho, napagpasiyahan na rin namin ni Audrey na magsama na lang sa isang bubong kesa naman magbayad pa siya apartment ay pinatira ko na lang siya sa bahay. Nagbalak na rin kaming magpakasal kahit sa huwes lang muna, ang mahalaga ay makasal kami sa lalong madaling panahon. Binabasa ko isa isa ang mga pinadala sa aking email ng kapatid kong si Adrienne, binabalita nito ang mga nangyayari sa mansion, doon na rin pala pinatira nila Mommy si Amber dahil hirap ito sa pagbubuntis. Doon ko lang din nabalitaan na inatake sa puso si Daddy, nang mabasa ko iyon ay nagdesisyon akong bumalik sa mansyon para na rin maalagaan siya. "Kuya! Buti naman at dumating ka" "Yeah, kumusta na si Dad?" tanong ko habang papasok sa mansion. "Still recovering, buti na lang at kasama niya sina Mommy at ate Amber nung atakihin siya kaya naisugod siya kagad sa ospital." "Nasan siya ngayon?" "Si Ate Amber? nandun sa bahay ng kaklase niya gumagawa ng thesis ." "I'm talking about Dad, Adrienne, wag kang magsimula." "Hmp! Sungit! daig mo pa si Ate Amber." tinignan ko na lang siya ng masama wala talagang pinipiling oras itong kutong lupa na ito eh."Nasa kuwarto si Dad, and please lang kuya wag kang gagawa ng mga bagay na makaka stress sa kanya yun ang kabilin bilinan ng Doktor". Tumango ako saka umakyat na papunta sa silid kung nasaan si Daddy, naroon din sa loob si Mommy. "Hijo" she smiled at me as I walked towards her. "Mom" yun lang ang nasabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit ganun din ang ginawa niya. "Thank you for coming, I'm sure matutuwa ang Daddy mo pagkagising niya mamaya." "I hope so, galit na galit siya nung huli kaming mag-usap" "He will be glad. I'm pretty sure he will" . Maggagabi na nang magising si Daddy at tulad nga ng sabi ni Mommy sa akin ay natuwa siya nang malaman niya na bumalik ako sa mansion.Nag usap kami ni Dad nung gabing iyon humingi ako ng tawad sa mga nasabi ko at sa binalak kong gawin sa batang nasa sinapupunan ni Amber, napagkasunduan din namin na tutulong na ako unti unti sa pagpapatakbo ng kumpanya. Akala ko ay hindi na nila ipipilit pa ang tungkol sa aming dalawa ni Amber pero nagkamali ako. Hiniling ni Dad na panagutan ko si Amber, tumanggi ako at pinaliwanag na malapit na kaming ikasal ni Audrey, hindi siya kumibo ng sabihin ko sa kanya ang mga plano ko, matiim niya akong tinignan at sinabi niyang nais na niyang magpahinga, nang tingnan ko siya ay kitang kita ang lungkot na bumalatay sa mga mata niya. Nagpaalam na ako para matulog, alam kong nadisappoint si Dad sa sinabi ko pero hindi ko kayang iwan sa ere si Audrey, hindi ko kayang saktan ang babaeng pinakamamahal ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng silid ko ng marinig ko ang sigaw ni Mommy. "Frederico!!! Oh my God! No please Frederico wake up!!!" dali dali kong pinuntahan ang silid nila nakasalubong ko din si Adrienne, humahangos ito at halatang takot na takot. "Mom!" natigilan ako ng makita ki si Dad na walang malay habang yakap ni Mommy. "Dad!!! Oh my God! kuya dalin natin si Dad sa ospital" "Ipahanda mo ang sasakyan Adi bilisan mo" ............. Ang huling atake ni Dad ay mas malala. Nalaman ko na pinag-uusapan pala ni Mommy ang naging desisyon ko at tutol silang dalawa lalo na si Dad dahil iniisip niya si Amber na tinuring niya na ring sarili niyang anak. Hiniling ni Mommy na pagbigyan ko na ang gusto ni Daddy, halos magmakaawa siya sa akin mabago lang ang desisyon ko at sa huli pumayag ako sa kagustuhan nila. Isang linngo matapos makalabas si Dad ng ospital ay sinimulan na ang mabilisang preparasyon para sa kasal namin, sa durasyon ng paghahanda ay hindi ko nakita si Amber sinasadya kong umuwi ng late at umalis ng maaga para hindi kami magpang abot, sa University naman ay walang problema dahil magkaiba kami ng Department. Mabilis na dumaan ang mga araw at naikasal na nga kaming dalawa "Zach" napatingin ako sa hallway nakita ko si mommy na nagmamadaling maglakad papunta sa kinauupuan ko. Nasa likod nito si Adi halata din ang pag-aalala sa mukha. "Mom" yun lang ang nasambit ko agad niya akong niyakap ng mahigpit, kasabay nun ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. "What happened?" "I don't know Mom nagising na lang ako sa sigaw niya kanina." napansin kong tahimik lang si Adi, hindi man lang ito nagtatanong which is very unusual dahil likas na dito ang mag usisa sa mga bagay bagay. Nang mapadako ang direksyon ng mga mata niya sa akin ay isang matalim na tingin ang binigay nito. Malamang ako ang sinisisi niya sa nangyari. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas na ang doktor ni Amber. "Doc, kumusta ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Mommy, lumapit na rin ako sa kanya para malaman kung ano ang nangyari sa mag-ina ko. "She's ok Ma'am, maya-maya ay ililipat na siya sa kuwarto-" "How about the baby?" putol ko sa sasabihin pa ng doktor, narinig ko naman ang mahinang pag "tsk" ni Adi. "Well, we almost lost the little angel, good thing at naagapan pa rin namin siya." napabuga ako ng hangin dahil na rin sa relief na naramdaman ko ng marinig ko na ligtas ang bata. Niyakap ako ni Mommy habang umiiyak tulad ko ay masaya siyang marinig na ligtas ang mag-ina."We just have to make sure na hindi ma stress si Mrs.Montevista, mahina pa rin ang kapit ni baby, that's why she needs to be in complete bedrest for atleast three weeks." "Ah Doc, bakit nagbleed ng ganun ang ate ko? I mean, she always makes sure na iniinom nya lahat ng vitamins na binigay sa mo sa kanya lalo na ung para sa pampalakas ng kapit ni baby." tanong ni Adi sa Ob Gyne ni Amber,bumaling sa akin ang doktor at... "Did you two have an intercourse?" diretsong tanong nito sa akin na ikinaputla yata ng mukha ko, ang lahat ng mata nila ay napako sa akin at hinihintay ang sagot ko, napayuko na lang ako sabay ang marahang pagtango. "Ok... Just make sure the next time you do it, be careful, but for now hindi muna puwede ha" anito na halatang pinipigil ang pagngiti. "Tsk. Diet ka ngayon kuya, malas mo ang hilig mo pa naman" sabi sa akin ni Adi na ngayon ay nakangiti na may pagkabipolar talaga tong kutong lupa na ito eh. "Shut up Adrienne Nichole" sabi ko na lang, di pa rin talaga ako makamove-on sa hiya ko dahil sa tanong ni Doc kanina. "Stop it chidren" nakangiti na rin si mommy habang sinasaway kami. Binalingan ko ang doktor at nagpasalamat na dito, ilang sandali pa ay inilabas na si Amber mula sa ER at inilipat na sa pribadong kuwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD