Malungkot man kaming lahat dahil hindi naming kasama si Baby Ralph ditto sa mansion, kahit papaano ay okay na rin sa amin ang naging desisyon ng DSWD. Hindi nagawang kunin ni Audrey si Ralph sa amin dahil ang DSWD na mismo ang gumawa noon habang iniimbestigahan ang kaso ng bata. Pumayag si Zach kaysa naman sa kamay ni Audrey bumagsak ang bata, ayaw rin kasing ibigay sa kanya ang buong kustodiya kay Baby Ralph dahil nga nagawa nitong dalhin ang bata sa Amerika ng walang pahintulot ng ina. Iyon daw ang kinatatakot ni Audrey kaya siya umano humingi ng tulong sa mga pulis at sa natsabing ahensya, ngunit habang nagkakaraoon pala ng pagtatalo ang aking kabiyak at ang babaeng iyon ay napansin ng mga pulis at kinatawan ng Social Welfare na kakaiba ang kilos ng babae, kaya nagdesisyon sila na ang

