Walang puknat ang pagtulo ng luha ko habang panay naman ang hagikgik ni Amber sa screen ng phone ni Adi, siya na mismo ang tumawag sa magaling kong kapatid, pakiramdam ko may alam din si Adi kung masaan si Amber nitong mga nakalipas na linggo, hindi lang nagsasalita, dahil ilang minuto lang matapos kong pagmasdan ang litrato na ipinost ng aking asawa kasama ang mga bagong silang naming anghel ay tumawag na siya. "My God Zach, tigilan mo na ang pag-iyak! Okay lang kami dito!" "Hindi ko mapigilan, putang ina umalis ka dito nasa loob pa ng tiyan mo yung kambal tapos ngayon karga mo na! Hindi man lang kita nasamahan nung mga panahong isinisilang mo sila." Paghihimutok ko pa, nanghihinayang talaga ako at nalulungkot dahil hindi ko man lang nasilayan ang kambal noong mga panahong iniluluwal si

