1. VALVERDE, again!

1400 Words
NANGINGINIG ang kamay ko habang nakatayo sa labas ng boardroom. Kahit anong higpit ng kapit ko sa laptop at folder ng presentation ay ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. Kung puwede lang umatras at huwag na lang harapin ito pero wala akong choice. Trabaho ko ito at hindi ko ipapahamak ang career at kumpanya namin dahil lang sa nakaraan. “Trabaho lang, Raselle!” Bulong ko sa sarili habang pinipilit pakalmahin ang mabilis na tibók ng puso ko. Pero kahit ilang ulit ko pa ’yang ulitin sa utak ko, hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko. Hindi dahil sa presentation, kundi dahil sa kung sino ang makakaharap ko sa kwartong ito. I knew exactly who owned this company. I knew exactly who was waiting inside. Valverde Land Estates. Hindi lang ito basta malaking real estate company. Ito ang mundo niya. Ang pangalan niya. Kung tutuusin hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganito. Sa ilang taon na nagdaan, alam kong okay na ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko simula pa kaninang tumuntong ako sa opisinang ito?! Hinanda ko na ang sarili ko para rito, pero iba pala kapag nasa mismong sitwasyon ka na. Hindi na ako puwedeng umatras. Kailangan kong gawin ’to. Matagal nang construction partner ng Valverde Land ang Horizon Builders na pagmamay-ari ni Miguel. Malaki ang utang na loob ko kay Miguel. Siya ang umalalay sa akin noong wala na akong natitirang lakas. Siya ang dumugtong sa buhay ko nang halos wala na akong pag-asa. Kung anong meron ako ngayon ay utang ko sa kanya. Kaya hindi ko siya pwedeng biguin. Sa akin niya ipinagkatiwala ang account na ito bilang project lead para sa isa sa pinakamalalaking development ng Valverde Land. I’ve worked too hard to get here. Kailangan kong patunayan na kaya kong dalhin ang proyektong ito! I took a deep breath. Fixed my blazer and lifted my chin. Saka ko dahan-dahang binuksan ang pinto. Tahimik ang boardroom. Lahat ng taong nandoon ay napalingon sa akin. Pero isa lang ang agad kong hinanap. Wala siya. Hindi ko alam kung kakampante ba ako o manghihinayang. Inaasahan kong makikita ko siya pero wala. Siguro may business appointment o baka may personal siyang dahilan. Agad kong inalis ang iniisip nang isang babae ang lumapit sa akin. Elegante at professional ang ayos niya. Nakangiti siya kaya napangiti rin ako. “Good morning, Miss Navarro,” bati niya sa akin sabay abot ng kamay. “I’m Alessandra Ruiz, Chief Legal Officer. On behalf of the company, welcome.” Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. “Pleasure to be here!" Kalmadong sagot ko. Tumango si Alessandra at itinuro ang mga nakaupo sa mesa. “Allow me to introduce the rest of the board. On your left is Mr. Enrique De Dios, Head of Finance. Beside him is Mr. Tomas Gutierrez, Operations Director. And across from you is Ms. Liana Cruz, Head of Marketing.” She then gestured toward the far side of the room. “Also with us are the heads of departments involved in the upcoming development. Engineering, Procurement, Legal, and Project Management. They’ll be working closely with your team throughout the entire project cycle.” Tumango sila at bumati. Panay naman ang ngiti ko kahit may kung anong kaba pa rin sa dibdib ko. Ilang minuto pa at nagsimula na ako sa presentation ko. Tumayo ako sa harap ng conference table, inayos ang microphone at binuksan ang slides sa malaking screen. “Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Raselle Navarro, Project Development Manager ng Horizon Builders Inc. Today, I’m here to present how our construction services can support your upcoming Westpoint Residences Project.” Pinindot ko ang slide clicker, lumabas ang logo at masterplan visuals. “As you all know, Horizon Builders has over 15 years of experience specializing in mid-rise and high-rise residential developments. We have successfully completed more than twenty large-scale projects within Metro Manila and CALABARZON. Our core strengths are: • On-time delivery with a 96% completion rate within target schedule • Cost efficiency through strategic sourcing of materials and labor • Strict quality compliance based on local and international building standards.” Tumingin ako sa mga board members. “For your Westpoint Residences, we propose a Design-and-Build Package, which will cover: 1. Structural Design and Engineering 2. Construction Management 3. Turnkey Handover of finished units.” The estimated project duration is 24 months, with progressive milestones every quarter to ensure transparency and accountability.” Lumipat ako sa slide showing timeline and budget. “For cost, we prepared a preliminary estimate amounting to ₱1.8 billion, inclusive of materials, labor, permits, and contingency allowances. A detailed breakdown is included in your proposal folders. We understand your vision of combining modern living with practical functionality. Horizon Builders shares that same commitment, and we are confident that our expertise can bring this project to life... efficiently and excellently.” Makaraan ang ilang minuto ko pang pagsasalita. Huminga ako ng malalim bago tapusin ang proposal. “Thank you for your time and consideration. I’ll be glad to answer any questions you may have.” Nakahinga ako ng maluwag matapos ang presentation. Nanatili akong nakatayo, hawak ang remote at folder, habang tahimik na nag-uusap ang board members. Hanggang sa bumaling sa akin ang isa at nagsimulang magtanong. “Ms. Navarro, how can you guarantee the project will be completed in 24 months? There are a lot of delays in the construction industry right now.” Tumingin ako nang diretso sa board member saka ako kalmadong sumagot. “Magandang tanong po, Sir. May ready na kaming timeline na naka-base sa actual capacity ng team. Gumagamit kami ng updated tracking system para real-time ang project monitoring. At may contingency plan kami sa bawat phase kung sakaling magkaroon ng aberya.” “How about safety? Maraming incidents sa sites lately." Dagdag ng isa. “Strict po ang implementation namin ng safety protocols. We have daily toolbox meetings, monthly inspections, at regular audits mula sa third-party safety officers. Zero major accidents in our last five projects.” Tumango ang board members, kita ko sa mukha nilang satisfied sila. “Okay yan! pero paano kung magkaroon ng conflict sa design during construction?” “May in-house architects po kami na handang makipag-collaborate sa inyong design team anytime. Agad naming pinupuntahan ang issue sa site at may decision flow kami para mabilis ang approval. Hindi namin pinapatagal ang desisyon lalo na kung maaapektuhan ang timeline.” Tumango ang board at natahimik bigla Maya-maya, halos sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang bumungad siya. Dumating siya. Si Ace. The man who once broke me and the same man I swore never to face again yet here I am, after four long years, staring straight at him once more. He hasn’t changed much. Still as composed. Still as dangerously magnetic. Walang pinagbago at hindi ko alam kung magtataka o maiinis ako sa sarili ko na pati ang pagtibók ng puso ko ay ganon din. Napamasid siya sa paligid hanggang matuon ang mga mata niya sa akin. At sa sandaling iyon ay parang ako lang ang nakikita niya. “R-raselle?” May gulat sa tinig niya, bahagyang paos at may diin sa bawat pantig ng pangalan ko. Pakiramdam ko naman ay biglang nanindig ang balahibo ko sa katawan nang marinig muli ang boses niyang ilang taon kong hindi narinig. Humakbang siya palapit sa akin. Parang may bigat ang bawat hakbang niya na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Pero agad din niyang binawi ang emosyon sa mukha niya na parang doon lang niya narealized ang sitwasyon. Nasa isip kong umiwas o umatras, pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi ko rin naman pwedeng gawin sa pagkakataong yun. Ni hindi ako makapagsalita o makagalaw. I just stood there. Chin up, spine straight. I let him look at me, at the woman he left behind. The woman he thought he’d broken for good. “Ah, Mr. Valverde,” sambit ni Alessandra. Doon ako biglang parang natauhan. “Nag-umpisa na po ang presentation ni Miss Navarro. She’s the representative of Horizon Builders.” Tumango si Ace pero hindi inalis ang tingin sa akin. Bahagya siyang ngumiti at mas bumilis pa ang tibók ng puso ko. “Well then,” sambit niyang medyo may nginig ang boses. “Please continue. I’d like to hear the rest.” ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD