HUMINGA ako nang malalim bago kumatok sa pintuan ng opisina ni Ace. Mahigpit kong hawak ang document na kailangan niyang pirmahan. Pakiramdam ko ay parang napakabigat ng mga papel na ito kahit simpleng dokumento lang. Kung bakit kasi hindi ko na lang inutusan ang assistant ko, at ako pa mismo ang personal na pumunta dito. “Come in!” Narinig kong tinig niya mula sa loob. Napabuga muna ako ng hangin saka pumasok sa loob, agad niyang inangat ang ulo niya mula sa laptop at nginitian ako. Para bang biglang lumiwanag ang buong opisina nang makita niya ako. “Well, look who’s here!" May biro sa tinig niya. Medyo nailang pa ako nang hagurin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa habang naglalakad ako. Matamis siyang nakangiti at para bang ini-scan niya ang bawat detalye ng itsura ko. Black s

