“Pretty lady, you’re here!” Masayang sambit ni Aki at agad akong niyakap. Pakiramdam ko naman ay bigla akong nasabik sa kanya. May ilang araw ko siyang hindi nakita kaya para akong sabik na sabik ngayon na hindi ko maintindihan, at pakiramdam ko ay parang hinahaplos ang puso ko dahil sa yakap niya. “I’m schooling now. And guess what? I can write my name already!” Proud niyang sabi na kumikislap pa ang mga mata. “Really?” Mas lalo akong nakaramdam ng pagkasabik sa sinabi niya at kakaibang tuwa na hindi ko maipaliwanag. Proud siya at pakiramdam ko ay mas naproud pa ako. “Opo!” Masigla niyang sabi. Lumapit siya sa yaya niya at kinuha ang backpack niya. Dinukot niya doon ang maliit na notebook at ipinakita sa akin. Nasabik naman akong tignan ang notebook niya na may nakasulat na malalaki

