42. ACE AND AKI‼️

2405 Words

“Bakit ako, bakit hindi si Zia?” Napataas ang tono ko sa pagkabigla sa sinabi ni Ace na gusto niyang ako ang tumayong ina ni Aki. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya o talagang desperado na siya sa akin. "Because I know he likes you. Ikaw lang ang babaeng kinagiliwan niya ng ganyan." Ulit niya. “That’s ridiculous!” Halos pasigaw kong sabi at napailing na lang. "Ace, gusto ko si Aki. Hindi ko maitatanggi na magaan ang loob ko sa kanya, at minsan nga pakiramdam ko parang may koneksyon kaming hindi ko maipaliwanag. Pero ibang usapan na ang akuin ko ang responsibilidad ng pagiging ina niya." May diin kong sabi para mas maintindihan niya. Hindi ko alam kung bakit ba niya naisip ito. Hiwalay na kaming dalawa. Kung tatanggapin ko ang hinihingi niya, muli akong mapapalapit sa kanya at kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD