MABILIS ang mga hakbang ko palabas ng canteen na hindi nililingon si Ace. Ramdam ko sa gilid ng paningin ko ang mga mata niyang sinusundan ako at pakiramdam ko ay lalong bumibilis ang tibók ng puso ko. “Huy Raselle! Magpaalam ka naman sa mister mo.” Pabulong na sabi ni Nica na nagpipigil ng tawa. "Mister ka diyan!" Sambit kong sinamaan siya ng tingin. Panay ang tawa ng dalawa kong kaibigan na enjoy na enjoy sa panunukso sa akin habang ako naman ay hindi na mapakali dahil sa pagkailang. “Mga loka-loka talaga kayo!” Nainis ko pang sabi. Ramdam ko ang pagblush ng pisngi ko. Sabay silang lumingon kay Ace na kalmado lang sa mesa. “Bye po, Mr. CEO. Mauna na po kami ni Mrs. Valverde!” Bigla kong nakurot si Jasmine sa braso nang marinig ang sinabi niya. Mas lalo pa akong nahiya sa mga naroon

